Tiyakin mo meron kayo nito sa inyong hapag sa pagsalubong ng New Years

Tiyakin mo meron kayo nito sa inyong hapag sa pagsalubong ng New years. Isa sa ginawa ng nanay ko noon na hinding hindi nawala sa aming hapag kainan sa pagsalubong ng taon ay ang mga sumusunod. Sabi niya sa amin kahit na kaunti lamang ang handa ay hindi ka dapat mawala ng mga ito sa hapag kainan. Magahanda ng mga garapon babasagin o plastic ay okay lang.Bawat garapon ay punuin ito ng bigas, ay bigas ay sumisimbilo ng kasagahan prospirity at abundance, ilagay ito sa inyong misa at takpan. Sa isang garapon naman ang ang tubig, kahit hindi ito puno-puno at maaari na gumamit ng tubig inumin. Ang tubig ay sumisimbulo naman ng buhay. Sa isang garapon naman ay asin kahit anung klase ng asin punuin din ito ang asin ay kilalang pang-alis ng kamalasan at mga negatibong energy. Sa isang garapon naman ay maglagay naman ng pera ilang piraso ng barya at lagyan ito ng kahit isang perang papel. Wag itong tatakpan. Upang ang pera ay tuloy-tuloy ang pasok. Asukal punuin ito ang asukal ay upang mapapanatili ang tamis at pagmamahalan ng pamilya. At huli ay ang bulak. Punuin din ng bulak ang garapo ito ay upang mas magiging maglaan ang daloy ng ating pamumuhay. Ito po ay para lamang sa mga taong naniniwala sa mga ganito kung kayo ay hindi naniniwala dito better not to waste your time. Good luck at happy new year po sa lahat. Love pinays at Love.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here