Tanglad (Lemon Grass)

Ano ang mgandang dulot nito sa katawan at ano ang dala nitong suwete,

Sa bahay namin sa Probensiya halos sa buong paligid ng bakuran ay makikita ang tanglad. Lemon grass) kahit mga kapit bahay ay mayroon nito. Masarap naman kasi ang lasa ng iyong niluluto kapag naglagay ka ng ilang dahon nito lalo sa mga sabaw dahil tinatanggal nito ang lansa ng lutuin.

Madali lamang din itong tumubo at hindi masilan ang halamang ito.

 Ang magagandang benepisyo nito ay.

1. Maglaga ng dahon ng tanglad isama mo pati ang ugat nito mga sampung piraso ng dahon kasama ang ugat lagyan ito ng isang litro ng tubig at siya mong inumin, ito ay mabisang gamot sa UTI at mabisa ding panlinis sa loob ng ating katawan. maaari po itong ilagay sa refrigerator upang mas sumarap ang lasa nito.

2. Maglaga ng ilang piraso nito at lagyan ito ng dinikdik na luya at siyang ipainum sa taong nagtatae.

 3.Kung ikaw ay masakit ang sikmura. maglaga lamang ng ugat ng tanglad at siya mong inumin pagising mo pa lamang sa umaga.

4. Sakit sa ulo. dikdikin ang ilang pirasong dahon nito ay siya mong itapal sa noo

5.Rayuma. Ang pananakit ng kaso kasohan o ng katawan dahilnsa rayuma ay malulunsan din sa pagpapahid mula sa langis ng dahon ng tangalad.

Magpausok ng pinatuyong dahon ng tanglad sa araw ng martes o beyernes ito mabisang pamtaboy ng negatibong enerhiya at mga bad entities mabisa din ito pantaboy ng lamok kung makikita mong mamumulak ang halamang ito asahan mo ang mga suwerteng mga paparating sa iyong buhay. Lalo kung samahan munang ibayong pagsisikap at pagdadasal.                                                                   

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here