Mula sa unang araw pa lamang natin sa kanilang sinapupunan ay minahal na taong ng ating ina. Lubos man siyang nahihirapan mula sa kanyang paglilihi at kung anu ano ang kanyang nararamdaman sa kanyang pagbubuntis sayo, ngunit ang kasiyaha sa kanyang puso ay hindi mapapantayan.
Hangang sa dumating ang araw ng iyong pagsilang,sabi nila kapag ang isang ina ay magsisilang ng kanyang anak ang kanyang isang paa ay nasa hukay. subrang sakit ang kanyang dinaranas ngunit lahat iyo ay kanyang tiniis at ginawa ang lahat upang ikaw ay maisilang ng maayos. Sa unang pagkakataon ay nahawakan at nakarga ka ng iyong ina ay kasayahan sa kanyang puso ay hindi mapapantayan. Ginawa nila ang lahat upang ikaw ay maalagaan magiging malusog at hindi magkakasakit. nagpupuyat gumigising ng hating gabi upang bigyan ka ng gatas at palitan ka ang basa mong diaper.Lahat ng sakripisyo ay kanilang ginawa masiguro lamang nila na ikaw ay magkakaroon ng magandang buhay hangang sa iyong paglaki at ngakaroon ng sarili mong buhay. Ngunit sa puntong ito at sila naman ang nangangailangan ng iyong aruga handa kaba dito?
Sa puntong hindi na sila makapaghanapbuhay ito naman ang iyong pagkakataon upang ibalik sa kanila ang lubos mong pagmamahal. Hindi porke ay madami ka ng maibigay na tulong sa kanila ay babaliwain muna lamang sila. Ngayon sila naman ang nangangailangan sa atin dapat ay nandiyan tayo palagi upang sila ay alalayan,magpaparamdam ng ating buong pusong pagmamahal at pag-aaruga. hindi dapat matatapos ang ating suporta sa kanila,sapagkat ang kanilang pagmamahal sa atin ay hindi kayang pantayan ng kahit na sinuman. Kaya nararapat lamang na tayo ay magsuporta sa kanila di lamang sa mga material at financial,kung di dapat din nating ipadama sa kanila ang ating buong pusong pagmamahal hangang sila ay nabubuhay .