Nais mo bang mabago ang inyong pamumuhay? Subukan ninyo itong gawin mainam ito at makakatulong para maibsan ang kahirapan.
Kailangan lamang natin dito ay buong tiwala.
Kumuha po ng dahon ng laurel. Isulat mo dito ang iyong kompletong pangalan at kapanganakan, pagkatapos sa pinaka taas ng dahon isulat mo ang salitang success at wealth, sa paligid po ng dahon paikot.
Pagkatapos ay kumuha ng cetrin kung walang cetrin at buhay na bato kung wala pa din ay kumuha ng bato sa bakuran hugusan ito ng tubig at saka ibabad sa tubig na may asin at suka sa loob ng 30pong minuto.
Pagnatuyo ang bato kuhanin mo ito kumuha ng berdeng panali at itali mo sa bato ang dahon ng laurel gamit ang berdeng panali
Habang tinatali ito humarap ka sa silangan usalin ng paulit – ulit ang salitang wealth at success.
Iclaim mo na ito ay iyong magagamit sa anumang oras.
Pagkatapos ay pasikatan ito sa sinag ng Araw sa loob ng 30pong minuto.
Maaari itong ilagay sa inyong altar o kaya sa inyong bag.
Gawin ito ng martes o kaya ay biyernes,
Samahan lagi ng sipag tyaga panalangin dedikasyon at pananalig upang mas madaling Makamit ang anumang hangarin.