Sanhi ng Anxiety Depression at kalungkutan

Anxiety – pag-aalala takot at pangamba sa kinabukasan na hindi na nagagampanang mabuti nag roles sa buhay.

Sintomas, bumibilis ang tibok ng puso, hindi nakakapagfucos  maraming nararamdamang sakit sa iba’t ibang parte ng katawan at hirap na makatulog.

Depression – isang clinical disorder, persistent na laging wala sa mood na kadalasang umabot ng dalawang linggo.madalas na makakaramdam ng kalungkutan kawalan ng gana sa mga hobbies at interest. Walang  gana na gawin ang kanyang alitutunin o hindi na nagagampanan ang araw araw na ginagawa

Sintomas. Hirap makatulog naaapektuhan ang gana sa pagkain at nawawala sa concentation.

Kalungkutan. Natural lang sa tao ang makakaramdam ng lungkot lalo na kung tayo ay may mga pinagdadaanan. Nasa malayo ang mahal sa buhay o malapit na kamag-anakan at samahan pa ng nagkakasakit sa pamilya at kawalan ng trabaho.

Tips kung paano ito malalabanan:

Maging aware ka sa iyong nararamdaman  at aminin na Meron ka nga nito.

 makatutulong ito na maintindihan mo ang pinagdadaanan mo

2. Limitahan ang exposure, wag masyadong makikinig sa mga balitang negatibo dahil nakakadagdag lamang ito upang mas lalo kang makaramdam ng pagkabahala.

3. Huminga ng malalim palakasin ang control sa sarili mong emotions nakakababa ang paghingang malalim

 ng level ng stress hormones

4.  Gumawa ng makabulahang mga bagay na alam mong mag-eenjoy ka.  iwasan ang sobrang paggamit ng gadget bago matulog. Gawing creative ang pananatili sa bahay.

5. Para makatulog ng mahimbing  Iwasan ang caffeine at sugary drinks, warm bath bago matulog, makinig na malalamyos na musika.

6. Magfocus sa mga bagay na controlada mo. Eating proper and nutritious food,ehersisyo tamang  tulog at  iprioritize ang mahahalagang bagay.

7. Kung ikaw ay emotional padin o may pangamba pang nararamdaman huwag muna magdesisyon. Maghintay na ikaw ay nasa iyong tamang kaisipan na yong Norma na ang iyong pakiramdam  bago magdecide lalo na kung importanteng bagay.