Ritwal instant ang resulta swerte ay agad agad

Gawin po ninyo ang ritwal na ito at nakikita po ninyo ang agarang resulta.

Gawin po ang ritwal na ito ng alas 6;30 o kaya ay 8 ;30 lamang po ng umaga ng araw ng martes o kaya ay araw ng  biyernes.

Kumuha po ng maliit  baso puwede po yung shot glass basta maliit po na basong babasagin, dahon ng laurel pulang asukal o washed sugar, at cinanamon stick.

Kuhanin ang baso at lagyan ito ng asukal punuin ang maliit na baso,kuhanin ang cinnamon stick talian ng pulang at itusok mo ito sa asukal, damhin ang swerteng hatid nito sa inyong buhay.

Pagkatapos ay kumuha naman ng tatlong pirasong dahon ng laurel. humiling bigkasin mo ang lahat ng iyong kahilingan, gaya halimbawa ng bigyan mo ako ng siksik liglig ng swerte sa buhay swerte sa pananalapi sa negosyo at kung anu ano pa ang iyong hiling.

Pagkatapos ay isa isa itong itusok sa baso na pinaglagyan ng asukal at ng cinnamon stick .

Ilagay ito sa altar kung walang altar ay maaari itong ilagay sa inyong center table.

Paalala samahan ng taimtim na panalangin, isang daang porsyentong paniniwala sipag at tyaga.