PAYONG PAMPAKINIS AT PAMPAGANDA SA KABATAAN

1. Tigyawat: Isa ito sa mga karaniwang problema ng mga kabataan. Sundin ang aming home remedy Para sa mga tigyawat. Kung hindi parin nawala ang iyong mga tigyawat, siguraduhing pumunta sa mga eksperto o dermatologist . Imbes na bumili ka ng Tag limang libong pantalon ang pag papaalis ng iyong tigyawat ang dapat mong pag tuunan ng pansin.

2. Pagaalaga ng iyong balat: Kahit anong gawin mo , kung ikaw ay walang malusog na balat hindi ka mag mumukang maganda . Kaya’t alagaan ang iyong balat sa pamamagitan ng pag sunod sa organic skin care tips. Hilamusan ang iyong muka gamit ang magandang cleanser upang matanggal ang mantika at dumi Sa iyong balat. Pagkatapos maghilamos ng iyong balat mag lagay ng magandang uri ng moisturizer upang

Mapanatili ang lambot ng iyong balat.

3. Iwasan ang foundation: ang mga kabataang babae ay hindi dapat takpan ang kanilang tagyawat gamit ang Makapal na foundation. Ang foundation sa mga kabataan ay nagtatago ng kanilang natural na ganda.  Para ito sa mga babaeng nasa 30 na ang edad.Sa mga kabataan mas magandang itago ang kanilang tigyawat gamit ang concealer at mag lagay ng powder o may kulay na moisturizer.

4. Wag haplusin ang concealer Kundi ilagay ito sa paraan ng pagtapik: Ang pinaka magandang paraan ng paglagay ng concealer ay ang paglagay nito gamit ang pag tapik lamang. Huwag itong idiin sa iyong muka. May roong mga concealers na naglalaman ng gamot upang mawala ang iyong mga tigyawat . Maglagay ng concealer sa iyong gitnang daliri at ilagay ito sa iyong muka sa paraan ng pagtapik.

5.Iwasan ang masyadong makapal na make-up: Wag mong masyadong kapalan. Ang pampagandang payo para sa mga kabataan ang panatiliin itong simple imbes na maglagay ng napakaraming eyeshadow at blush. Pagandahin ang iyong skin tone gamit ang may kulay na moisturizer at maglagay ng pink blush sa iyong mga pisngi. Linawin ang iyong mata gamit ang kulay gintong eye shadow at maglagay ng mascara. maglagay ng light pink o nude lip gloss sa iyong mga labi.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here