Paano natin ito gagawin?
Pinaniniwalaan sa feng shui na ang pintuan ang daanan ng mabuting pagpasok ng enerhiya sa tahanan, kaya makabubuting ito ay ating pangalagaan at pagplanuhan ng mabuti ang pagpapatayo at pagdidisenyo nito.
1. Siguraduhing walang kalat na nakalagay o nakaharang sa pintuan.
Iwasang maglagay ng mga sapatos, walis, dustpan, basurahan, o kahit na anong kalat sa pintuan upang makapasok ang positibong enerhiya.
2. Lagyan ng liwanag ang pintuan.
Mainam kung maliwanag ang pintuan, lalo na kung gabi, kaya mabuting maglagay ng ilaw rito.
3. Wag na wag ipuwesto ang pintuan sa tapat ng pader.
Malas kung may malaking pader sa tapat ng pintuan, dapat ang katapat nito ay na lugar na walang kalat at maailiwalas
4. Kailangang matibay ang pinto.
Dapat ay hindi ito lumalangitngit kapag binubuksan o sinasarado.
5. Dapat papasok ang pagbukas ng pinto.
Upang lagi din papasok ang suwerte
6. May mga suwerteng kulay para sa pintuan, depende sa kung saang direksiyon ito nakapuwesto.
Kung nasa hilagang bahagi ito, blue, black o purple.
Kung nasa timog na bahagi ito, red, yellow, orange, o pink.
Kung nasa silangang bahagi, green.
Kung nasa hilagang bahagi ito, blue, black o purple.
Kung nasa timog na bahagi ito, red, yellow, orange, o pink. o hilagang kanluran naman, white, gold, o silver.
Kung nasa timog kanluran, red.
Kung nasa hilagang silangan, yellow.
Kung nasa timog silangan naman, kulay wood o green.
7. Maaari ring disenyuhan ng mga praktikal na gamit ang gilid ng pintuan, depende sa kung saang direksiyon ito nakapuwesto.
Kung nasa hilaga, isang basong tubig.
Kung nasa timog, maliwanag na ilaw.
Kung nasa silangan, lagyan ng puno o maliliit na halaman.
Kung nasa kanluran naman, lagyan ng barya