PAPAANO NATIN DAPAT HARAPIN ANG MGA PAGSUBOK

Kaakibat na sa buhay natin ang mga problema talagang kasama na ito sa ating buhay.

Sabi nga nila ang buhay ay mahiwaga di natin alam ang mga mangyayari sapagkat ang ating buhay ay hiram lamang.

Hindi natin maiiwsan ang mga problema at pagsubok na ating haharapin o kakaharapin Sa mundong ito.kabilang dito ang problema sa buhay pamilya pag-ibig at minsan sa ating sarili.

Hindi natin ito kayang iwasan ngunit nasa atin kung papaano natin ito dalhin at haharapin.

Unang una maging matapang at matatag ka, sabi nga ng iba hayaan mo ang problema mo na mamroblema sayo. Pero hindi naman ito maaari kailangan nating harapin ang problema at humanap ng solusyon para dito.

Wag na wag kang susuko magdasal ka humiling ka sa kanya na tulungan kang sa pagharap ng mga problema at pagsubok na pinagdadaanan mo magtiwala ka sa iyong sarili at lahat ng ito ay kayang mong lampasan.

Sa bawat ulan laging nakaabang ang panibagong sikat ng araw.

 LAHAT NG PROBLEMA AY  MAY KAAKIBAT NA SOLUSYON

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here