PALIITIN ANG PORES AT ALISIN ANG BLACKHEADS

1. GUMAMIT NG HONEY

Ang honey ay mayroong antibacterial at antioxidants property kaya naman makakatulong ito ng malaki sa iyo.

Ang maligamgam o mainit- init na temperatura ng tubig ang magbibigay  daan upang magbukas ang mga pores at maabot ng honey ang malalim na bahagi ng balat nang sa gayon ay matanggal ang mga dumi at oil na nakapirmi rito. Ipahid ang purong honey sa buong mukha at madahang masahihin. Iwanan ito ng 10-15 minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig at padamping tuyuin ng malinis na towel.

2. GUMAMIT KA NG BAKING SODA

Ang baking soda ay makakatulong sa iyong problema aalisin niya ito at tutunawin.Paghaluin ang 2 kutsaritang baking soda at mineral water hanggang makagawa ng paste.

I-apply ang nagawang paste sa lugar na may mga blackheads at masahihin ng malumanay. Hayaang matuyo ito ng ilang minuto bago banlawan ng maligamgam na tubig.

Ulitin ang paggawa nito dalawang beses sa isang linggo.

3.  GUMAMIT NG PUTI NG ITLOG

Dahil madikit ito ang paggamit nito ay makakatulong upang ma extract ang mga white heads at black heads sa iyong muka.Basagin ang itlog (hindi luto) at ihiwalay ang pula (yolk) ng itlog kunin lamang ang puti.

Ipahid sa mukha ang puti ng itlog na manipis na layer lamang ang pagkakapahid. Hayaan ng dalawang minuto para matuyo. Ipahid muli ang natitirang puti ng itlog para sa ika -2 layer. Hayaan ito sa loob ng 10-15 minuto hanggang sa matuyo at maramdaman ang pagbanat ng balat.

Banlawan ng maligamgam na tubig at tuyuin ng malinis na towel.

4. GREEN TEA

Ang green tea ay may kakayahang alisin ang pores sa pamamagitan ng pag gamit nito bilang scrub sa iyong muka.Basain ng tubig ang isang kutsaritang tuyong dahon ng green tea. Ito ang gagamiting pang-scrub sa balat na may blackheads.

Madahang ikuskos ang basang green tea/paste sa lugar kung saan may mga blackheads. Gawin ang pagkuskos sa loob ng dalawa hanggang tatlong minuto. Ang pag-scrub na ito ay nililinis na maigi ang oily skin at inaayos ang mga baradong pores.

Banlawan ng maligamgam na tubig pagkatapos.