Pag-aalaga sa sarili kahit pa ikaw ay isa ng ina

Minsan pag isa ka ng nanay ay nakakalimutan munang alagaan ang sarili natin. Sa sobrang busy natin at sa dami ng ating obligasyon sa pamilya ay wala na tayong panahon para sa ating mga sarili. Minsan nga kahit pagsusuklay ay nakakalimutan na nating gawin. Pero dapat ba ito?

 Dipa dapat ay maglaan din tayo ng oras at panahon para sa ating mga sarili?

Mga mommies dapat maglaan tayo ng oras at panahon para sa ating mga sarili. Sabi nga nila paano tayo mamahalin ng ibang tao kung tayo mismo ay di natin ito magagawa para sa sarili natin. Mahalaga na alagaan natin ang ating sarili lalo na ang ating kalusugan dahil may pamilya tayo na laging nangangailangan sa atin kaya nararapat lamang na pagtuonan din natin ito ng pansin.

Bigyan ng panahon ang iyong sarili na magpaganda  wag nating hayaan na magmuka na tayong mga manang  sa murang edad natin.

Bumili ng mga bagay, gamit para sa iyong sarili, like damit makeup o kung ano mang bagay ang makakatulong para manatili tayong maganda tingnan.

Mag-ayos hindi porke may asawa at anak kana ay dimo na kailangan mag-ayos ng sarli mo. Dapat lagi tayong naayos sa ating sarili para di tayo magmumukhang matanda malagay ng pulbos kahit sa bahay ka lamang.

Maglaan din ng kahit ilang minuto sa pag-eehersisyo kahit 30 minutes lamang at tatlong beses kada linngo.

Wag hahayaan na mawala ng kurba ng ating katawan hanggat maaari ay panatilihin ang inyong kasiksihan.

Ito ay di lamang para sa iyong sarili kundi para din sa iyong asawa at anak. Para naman presentable tayo na humarap sa kanilang mga kaibigan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here