Paano suswertehin ang bahay? Gawin mo ito

PAANO MAGIGING MASWERTE AT PAANO ITO PANANATILIHIN SA IYONG BUHAY?

1. GUMISING NANG MAAGA. BUKSAN ANG BINTANA AT HAYAANG PUMASOK ANG SINAG NG ARAW SA IYONG BAHAY (remember: early bird catches the worm, e hindi ka bird, so matulog ka hanggat gusto mo)

2. MAGDILIG NG HALAMAN TUWING UMAGA (kung ayaw mong mamatay halaman mo…mas better umaga ka magdilig)

3. PAKAININ NG SAPAT ANG MGA ALAGANG HAYOP (kung ayaw mong dagitin nila ang ulam mo)

4. IWASANG MAKINIG NG MGA PANGIT NA BALITA TUWING UMAGA PARA HINDI NEGATIBO AGAG MARINIG PAGKAGISING SA UMAGA (-manuod na lang)

5. MAGHANDA NG MASUSTANSYANG PAGKAIN ARAW-ARAW (para iwas doctor’s fee)

6. MALIGO PARA PRESKO PATI ISIP (tanggalin ang amoy ng kahapon, remember morning is a fresh start)

7. PANATILIHING PALAGING MALINIS ANG BUONG BAHAY PATI NA ANG BUONG BAKURAN (dapat lang kundi baka palayasin ka sa inyong barangay, o baka tirhan ng ahas ang makalat mong bahay, mahirap din kung may maligaw na unggoy, akalain pa jungle ang house mo)

8. MAGDASAL AGAD AT MAGPASALAMAT SA DIYOS PAGKAGISING UPANG MAGING MABUTI AT MAGAAN ANG BUONG ARAW (iwas bad vibes, magpa-thank you ka naman, mabuti nagising ka pa)

9. IWASAN ANG SUMIMANGOT AT MAGMUKANG GALIT (naman, mahirap para sa ibang tao ang makakita ng kinuyumos na papel sa pagmumuka mo lalo’t umpisa pa lang ng araw)

10. IPLANO ANG LAHAT NG GAGAWIN BAGO MAGSIMULA ANG ARAW MO (hindi ko ‘to ginagawa dahil madalas una ang facebook, pero tingin ko tama)

11. THINK POSITIVE KAHIT ANO PA ANG MANGYARI (wag nerbyosa, mahal ang gamot sa alta presyon, isa pa, maraming pwedeng masira sa work station mo kapag negative thinker ka, including work)

12. MATULOG NG MAAGA PARA MAGING PRODUCTIVE (pero kung hindi makatulog ng maaga, matulog ng gabi, pwede na yun)

13. MAGING MALINIS SA KATAWAN, MAGDAMIT NG MAAYOS AT AYUSIN ANG BUHOK (ang pangit lalo kapag single ka pa tapos baluga ka)

14. IWASAN ANG MANUOD AT MAGBASA NG MALASWANG BABASAHIN. MALAS ITO SA BUHAY (pero kung hindi maiwasan, bawasan na lang –yung tipong, kung dati daily, gawing 4times a week na lang…joke!… basta wag pahuli sa iba kasi ang pangit sa image… baka isipin ng Boss mo manyak ka, tanggalin ka pa sa trabaho)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here