Paano pabaitin ang mga anak na matigas ang ulo

Ang mga anak niyo na kahit anong sabi mo sa kanila ay baliwala lamang pasok sa isang tainga saka labas sa kabilang tainga. Yong parang may sarili na silang mundo?

Narito ang remidyo para sa mga anak ng subrang titiga ng mga kokote. Kailangan lamang natin ng balat  ponkan o di kaya ay orange o kaya naman ay balat ng kalamansi isang pirasong dahon ng laurel, cloves, asukal  at honey.

Kumuha ng puting malinis papel  at isulat ang kompleto niyang pangalan kasama ang kapanganakan,saka ito itupi ng tatlong beses papasok sayo.Ipasok ito sa garapon na malinis na babasagin saka sunod mong ipasok o ilagay sa garapon ang ilang pirasong balat ng orange o balat ng kalamansi, pitong piraso ng cloves isang kutsara ng asukal at tatlong kutsara ng honey.

Pagkatapos ay kuhanin ang dahon ng laurel hawakan sa dawalang kamay at hilingin ang kahilingan na iyong kung paano gusto bumait ang iyong anak ang pasunod sayo,saka ito ilagay sa garapon.

Takpan ng mahigpit ang garapon. Saka ito pasinagan ng araw sa loob ng isang oras wag na wag hayaan na ito ay maulanan. pagnasinagan ng ng araw kuhanin ito at saka ilagay ito sa lugar kung saan nakalagay ang kanyang mga  gamit gaya ng damit, tanggalin lamang ito doon kung nakikita mong siya ay tuluyan ng nagbago, gawin po ito ng martes o biyernes ng umaga po lamang