Paano mo matitiyak na `nami-miss ka ng isang lalaki?

  1. Kapag madalas ka niyang i-text o tawagan  Gusto kasi niyang iparamdam na kahit ano ang ginagawa niya ay binibigyan ka niya ng oras. Kung ikaw naman ang magti-text o tatawag ka sa kanya, asahan mong agad ka niyang sasagutin. At kapag nagkaroon kayo ng alitan ay tatawag siya sa’yo kahit siya ay nakainom dahil gusto niyang malaman mo na masyado siyang apektado sa inyong sitwasyon.
  2. Wala siyang ibang bukambibig kundi ikaw  At siguradong makakarating ito sa kaalaman mo dahil may mga taong hindi mapipigil na sabihin ito sa’yo tulad ng kanyang kapamilya, kaibigan at pati na in ng mga tsismosa niyang kaopisina’t kapitbahay.
  3. Palagi siyang nagla-like at nagku-comment sa iyong fb at nagpa-follow sa’yong twitter Kapag kasi may libre siyang oras ay wala siyang ibang gustong gawin kundi iparamdam sa’yo na nandiyan lang siya at binabantayan ka. Ibig din niyang lagi kayong may larawan para magawa niyang maipagmalaki sa lahat ang inyong pag-iibigan.
  4. Nagseselos siya kapag may lalaking umaali-aligid sa’yo Siyempre ang nais lang niya ay sa kanya lang ang iyong atensyon. Gayunman, dapat ay maramdaman mo rin ang kanyang pagtitiwala lalo’t alam naman niya kung gaano mo siya kamahal. Kaya kung talagang wala siyang tiwala sa lalaking laging nakabuntot sa’yo siguradong lagi ka niyang sasamahan.
  5. May plano siya lagi para sa inyo. Kung kasintahan mo pa lang siya ay palagi na niyang sinasabi sa’yo na ikaw ang gusto niyang makasama habambuhay. At kahit na mag-asawa na kayo, hindi a rin siya tumitigil na mangarap para sa inyo.

                        O, ganito ba siya?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here