Mahal na mahal mo ang isang tao kaya naman pumayag kang makipagrelasyon sa kanya. Ibig sabihin ay may pakialam siya sa buhay mo at ganoon din ikaw sa kanya. Iyon nga lang dapat naman ay mayroon ding limitasyon ang pakikialam ninyo sa isa’t isa dahil kahit na magkarelasyon kayo ay magkaibang tao pa rin kayo.
Kaya naman kailangan ay alam mo kung paano sagutin ang Paano Mo Masasabi Na Ikaw Ay Nasa Walang Kuwentang Relasyon?
Una, hindi ka niya hinahayaang magdesisyon. Ibig niya ay siya lagi ang masusunod. Aba, hindi naman pwede iyon. Ang dapat ay hayaan ka niyang magdesisyon lalo na kung ito ay may malaking kinalaman sa’yong buhay.
Pangalawa, kapag palagi ka na niyang sinasaktan. Anumang klaseng pananakit tulad ng panloloko, pagmumura’t pang-iinsulto at pambubugbog ay hindi tama. Ang tunay na nagmamahal ay walang hangad kundi ang kaligayahan ng kanyang kapareha. Kaya kung panay lang naman ang iyak mo, bakit ka pa magtitiyaga?
Dahil sa pagmamahal? Naku, bago ka magmahal ng ibang tao, dapat ay matuto ka munang mahalin ang iyong sarili. Kaya naman kung pakiramdam mo ay hindi ka na masaya sa takbo ng inyong relasyon, nangangahulugan lang na hindi ka na masaya kaya’t huwag mo na hayaan pang manatili ka sa isang walang kuwentang relasyon.