Paano mo mabubuo ang tiwala sa iyonh sarili?

Minsan ang iba sa atin ay madami takot para sa kanilang mga sarili takot sumugal. Paano ba natin mabubuo ang tiwala sa ating sarili?

1.Kilalanin mo ang iyong sarili. Alamin mo kung saang mga bagay ka magaling o may potensyal. Huwag mong pagtuunan ng pansin ang mga bagay na  hindi mo kayang gawin ngunit kaya na  ng iba. Lahat tayo ay may mga bagay  na kayang gawin na hindi kaya ng iba may iba iba tayong mga talento o angking kaalaman.

Purihin at ipagmalaki ang iyong  sarili sa maliit o malaking bagay bg iyong nagawa. Kapag may nagawa kang maganda, bigyan mo ito ng pansin sa sarili mo. Nakakatulong ito upang mapataas ang kumpiyansa mo sa iyong sarili. Kahit ganito, huwag pa ring kalilimutang magpakumbaba. Hindi mo kailangang ipakita sa iba ang magaganda mong nagawa kasi ito ay tungkol lamang sa iyo. Huwag kang aasang magkaroon ng tiwala ang iba sa iyo kung ikaw mismo ay wala nito sa sarili mo.

Huwag ikumpara ang sarili sa iba. Hindi naman ito masama. Kung magkukumpara ka na rin lang, sa sarili mo na lang at huwag na sa ibang tao. Paminsan-minsan, nakabubuti ring ikumpara ang sarili sa iba para mapabuti ka. Ngunit, huwag sa lubusang paraan na bababa na ang iyong tingin sa sarili mo at sa puntong makakasakit ka na ng damdamin ng iba.  

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here