PAANO MANLIGAW KUNG IKAW AY TORPE

Ang panliligaw ay kaiba sa pakikipagdate ng hindi pa kayo dahil mas tradisyonal na paraan ito upang makilala ang isang babae sa pamamagitan ng mga oras na makakasama mo siya. Kahit pa mas seryoso ang panliligaw magandang paraan parin ito upang mas makilala nyo ang isat isa at maipakita sa babaeng ito kung gaano mo siya kagusto.

1. ALAMIN ANG PAGKAKAIBA NG PANLILIGAW AT PAKIKIPAG-DATE

Ang panliligaw at pakikipag-date ay magkaibang bagay, lalo na sa modernong society. Ang pakikipag date madalas ay maaaring maging casual, at nangyayari kahit hindi seryoso ang mga pangako. Puwede kang makipag date sa maraming babae kahit anong oras mo gusto at sa mga naka date mo na yun kadalasan ay katuwaan lang. Ang panliligaw ay talaga nga namang seryoso, gumagawa ka ng paraan upang makilala mo ang isang babae na may intensyon na mahalin siya ng totoo na magbubunga ng pagpapakasal sa isang babae.

2. ALAMIN KUNG HANDA KANA

Dahil ang panliligaw ay magkaiba sa pakikipag-date. Ito ay isang bagay na hindi basta-basta, dahil isa itong seryosong hakbang upang mapasayo ang nililigawan mo. Kadalasan kapag nanliligaw ay iniisip na nila na mapapangasawa na nila ang babae at hindi nilalaro nang damdamin niya, kaya kung hindi kapa handa, ang maganda mong gawin ay manatili ka nalang sa pakikipag date o maging single nalang muna.

3. INTINDIHIN ANG BENIPISYO NG LIGAWAN kahit na ang panliligaw ay para bang “makaluma”, isa parin itong opurtunidad upang makuha ang isang babae ng hindi nagaalinlangan kung gusto ka rin ba niya kapag kasi pumayag sa iyo ang babaeng magpaligaw ay malaki ang tyansang interesado rin siya sa iyo. Kung pagod ka na sa date date lang at pakikipagmeetup ay maari kang manligaw.

* ang panliligaw ay maganda rin upang mas magkakilala kayo ng wala kang ibang kaagaw mas mataas kase ang tyansa na kung makikipagmeetup ka ng date ay hindi lang ikaw ang ka meet up niya. Ang panliligaw ay nakakaenjoy rin dahil mahahasa rin nito ang pagiging malikhain mo kung paano mo nga ba siya mapapasagot at kung anong mga gawain at aktibidad ang maari nyong gawing dalawa

4. KILALANIN MO SIYA BASE SA KANYANG MGA KAIBIHAN

Dahil ang panliligaw ay seryoso, hindi mo naman ata gusto na dumiretso agad sa kanya ng ligaw ng hindi mo pa nalalaman kung ano ba ang ugali niya o babagay ba siya sa ugali mo. Makipag bonding ka kasama ang mga kaibigan niya, alamin mo ang kanyang personalidad at ang kanyang character, tsaka ka mag decide kung attracted kaba sa kaniya.

5. ALAMIN MO ANG TUNGKOL SA KANIYANG PAMILYA

Ang panliligaw ay may kinalaman sa pakikipag-uganyan sa pamilya, kadalasan dahil pangunahin may kinalaman sa relihiyon na hindi ginagawang biro ang isang relasyon. Ang makilala mo ang pamilya ng iyong nililigawan ay malaking tulong upang malaman mo kung gusto mo ba talaga siyang ligawan. Alamin mo ang tungkol sa kaniyang pamilya at ang pinaniniwalan nila at kung nagawa mo iyon ay magiging fit ka sa kanya at ganon din siya sayo.

*Iba-iba ang pamilya, ang iba ay hindi na nila kailangan na makilala ka bago ka  manligaw sa kanilang anak, pero ang iba nga naman ay talagang pinahahalagahan ito. Gusto muna nilang makilala ang lalaki at alamin kung maganda ba ang intention nito sa kaniyang anak tsaka siya bago payagan na manligaw.

*Kung nasa tamang edad ka na naman at ang iyong babaeng liligawan ay hindi nakatira sa kaniyang magulang, ang partipasyon ng kaniyang pamilya ay hindi na ganon ka importante. Gayunpaman, alamin mo parin ang tungkol sa kanila upang hindi niya maramdaman na nilalagpasan mo ang boudary na iyon.

Sana ay nakatulong ito sa inyo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here