PAANO MAGTAPAT NG HINDI MASISIRA ANG PAGKAKAIBIGAN NYO

Kung hindi siya mawala sa isip mo, kinikilig ka kapag nakikita sya o kaya naman ay bumibilis ang pagtibok ng puso mo, o basta ay alam mong crush mo siya at gusto mo siya ay narito kami upang tulungan kang magtapat ng pagibig sa kaniya na hindi kayo magkakailangan pagkatapos. Normal lang naman na kabahan pagdating sa pagtatapat ng iyong pagmamahal kaya naman ay ituturo namin sa inyo kung paano magtapat ng hindi masisira ang inyong relasyon.

MAG-BIGAY NG ILANG PAHIWATIG

            Kung feeling mo masyado kang kinakabahan na sabihin ang nararamdaman mo, subukan mong mag-bigay pahiwatig sa iyong crush at tignan natin kung mag re-respond siya dito. Makipag eye contact, tuksuhin mo siya ng pabiro, o kaya naman landian mo ang pag te-text sa kanya. “Makakatulong ito upang mailabas ang naiipong pressure at mamotivate ang iyong crush na ikonsiderang makipagrelasyon sa iyo” -Sullivan

MAGKARON NG KUMPYANSA

            Ito ay madaling sabihin kaysa gawin, ngunit ang kumpiyansa at kalinawagan ay makakatulong upang makagawa ng kakaibang conversation sa iyong crush. “Walang pinanganak na expert dito, ” sinabe ni Sullivan. “Kahit pa ilagay ng mga pinakamagagaling sa pakikipag date ang kanilang sarili dito ay may posibilidad na ma reject parin sila.”

GAWIN MONG MADALI ANG MGA BAGAY PARA SAKANILA

            Lagi mong isipin na kahit na ang gusto mo maging maganda ang magiging resulta, posible rin na hindi tanggapin ng iyong gusto ang iyong nararamdaman para sa kaniya. Sa totoo lamang, masakit ma reject, ngunit isa rin itong pagsubok para sa inyong dalawa. Kaya naman kung magsasabe ka ng feelings, wag mong iparamdam sa kanya na kailangang niya agad mag respond. ” Isipin mo na ang taong sinasabi mo ay may sariling obligasyon sa kanyang nararamdaman,” -Sullivan. ” Gumawa ng conversation na maipaparamdam mo sa kaniya na mayroon siyang choice na gawin ang mas makakabuti sa kaniya.”

SIGURADUHIN MO NA IKAW AY KOMPORTABLE

            Panigurado ikaw ay sobrang busy kakaisip na kung papaano siya hindi makakaramdan ng pag ka weird, kaya sobrang importante na ikaw ay komportable. Kung kumportable ka naman sa texting, gawin mo yon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here