PAANO MAGKAROON NG RELASYON NA PARANG NAGSISIMULA PALAMANG.

1. MAKIPAG MAKE LOVE PARA. Ang pinaka simple at pinaka effective na daan upang kumonekta muli sa’yong partner ay ang pakikipag sex. Importante ito sa relasyon at gumagawa ng tiwala sa relasyon nyo. Ipapaalala sa’yo nito ang inyong unang pagsasama at kung ano ang pakiramdam nito.

Maaring pagod ka na dahil sa mga trabaho o mga bagay na iyong ginagawa. O kaya naman ay busy ka ngunit wag mong kalimutang maglaan kahit isang araw upang ipakita ang pagibig mo sa kaniya. Maganda ang magagawa sayo nito, ito ay makakatulong upang mabawasan ang iyong stress, mapupuksa nito ang inyong pagkapagod at ikaw at iyong partner ar mararamdaman niyong bata ulit kayo. Hindi kana makakapag antay makauwi gustong gusto mo ng umuwi.

2. UNAHIN MO ANG IYONG SARILI. Mahalin mo anh iyong sarili, dahil don may kakayahan kang mahalin ang ibang tao ang mahalin ka rin nila. Hindi ibig sabihin non na kinakalimutan mo na ang mga nakapaligid sa’yo at iniisip mo na lamang ang iyong sarili pero kailangan mo talagang mag focus sa iyong sarili muna.

3. The more na naaalala mo ang nakaraan, the more na mas gusto mong bumalik sa mga panahon na ganon. Ang alaala ng kahapon ay talaga namang nakakatuwa at alam kong gusto mo ulit maranasan yon, subukan mong ibalik ang charm na nawala sa inyong relasyon upang maranasan mo muli ang gusto mong maranasan. Hindi lang ang magagandang alaala ngunit kasama rin ang mga panahon na sumubok sa inyong relasyon na kung ano ang meron kayo ngayon, lagi mong tatandaan na kung gaano mo kamahal ang isang tao ay nag iiwan sa kanila ng marka at dinadala nila ito ng hindi mo alam. Kaya’t ipaalala mo sa kaniya hangga’t maaari ang inyong mga napagdaanan.

4. AKITIN MO SIYA. Alam kong hindi maganda itong pakinggan ngunit nagana ito parang charm. Ang pang-aakit ay nakakapag-pagaan ng mood, nakakawala ng stress at napapadali nito ang mga bagay sa inyong dalawa. Mararamdaman mo na ito ay nakaka refresh at nakakasigla. Puriin mo siya. At iparamdam mo sa kanya na mahal mo siya. At gagawin din niya sa’yo ang ginawa mo sa kaniya. Kung bibigyan mo siya ng bulaklak at biglaang halik mararamdaman niya na nilalambing mo siya, at may chance na ma appreciate niya yon at makakaramdam siya ng kaligayahan. Sabihin mo sa kanya ng siya ay gwapo/maganda, at gusto mo ang kanyang amoy, subukan mong tuksuhin siya ng kakaonti at subukan mo rin na ma blush siya. Ang pakiramdam na ito ay para kayong bumalik sa unang taon niyo at maaari rin na bigyan ang relasyon niyo ng bagong simula.

5. SUBUKAN ANG MGA BAGONG BAGAY. Maaring wala ng excitement at parang yon at yon nalang din ang nangyayari sa inyong relasyon kaya bakit hindi ka sumubok ng mga bagong bagay na makakatulong sa inyong dalawa upang mas maging masaya at ma refresh ang inyong relasyon. Magbakasyon kayo at sumubok ng mga bagay na hindi nyo pa nasusubukan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here