PAANO MAGKAROON NG PAANG PAMBABY ANG LAMBOT

1. GUMAMIT NG APPLE CIDER VINEGAR Ang apple cider vinegar ay naglalaman ng acid na makatutulong upang tunawin ang mga kalyo sa iyong mga paa. Ibabad ang paa sa batya na may mainit na tubig na may sabon at 1 tasang apple cider vinegar. Iwan ang paa ng 15 minuto hanggang lumambot ang kalyo.

2. IBABAD ANG PAA SA TUBIG AT GUMAMIT NG PANG HILOD  Tutulong ang pagbabad ng paa sa tubig upang mas mapadali ang paghihilod ng kalyo sa ating paa.Ibabad ang kalyo sa kamay at paa sa maligamgam na tubig ng 10-15 minuto upang lumambot ang kalyo.

Marahang hilurin ang kalyo sa kamay at paa at pati na rin sa ibang bahagi gaya ng siko at tuhod.

Para madaling matanggal ang kalyo sa kamay at paa, gumamit ng batong panghilod. Isang malinis at makinsis na bato ang gamitin upang hindi makakasakit sa balat kapag ginamit. Gawin ito nang tuloy-tuloy sa loob ng isang linggo, mas epektibo kung gagawin ito sa gabi bago matulog.

3. I MOISTURIZE ANG IYONG BALAT Isang ring paraan para mawala ng kalyo sa kamay at paa ay ang paggamit ng moisturizer sa balat. Gumamit ng mga natural na moisturizer tulad ng Vitamin E oil, cucunut oi (oil na galing sa niyog) olive oil, at aloe vera. Ang mga ito ay mabisang pantanggal ng kalyo sa kamay at kalyo sa paa.

4. GUMAMIT NG SUKA  Ang suka ay may taglay ring acid na makatutulong upang tunawin at alisin ang iyong kalyo sa paa. Maglagay lamang ng suka sa bulak at ilagay ito sa iyong paa saka magsuot ng medyas. Gawin ito bago matulog at tanggalin kapag ka gising.

5. KUMUNSULTA SA DOKTOR  Maari kasing bunga ito ng isang malubhang karamandaman. Walang masama sa pagkunsulta sa doktor dahil lamang may kalyo ka. Kung sa tingin mo ay kakaiba ang iyong kalyo at kumakapal na ito, magandang magpaiunsulta sa doktor upang mas makasigurado. Health is wealth ika nga

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here