PAANO MAG INTERMITTENT FASTING

Kung nais mong magpapayat ng mabilis at walang exercise ay narito ang sagot para sa iyo.

Simple lang ito. May susundin ka lang oras na kung saan pwede ka kumain at hindi ka dapat kumain.

Ang pinakasimple at madaling intermittent fasting ay ang 18/6 method. Na kung saan hindi ka kakain ng kahit anong pagkain sa loob ng 16 hours pero syempre pwede ka naman uminom ng tubig. At meron kang 8 hours para kumain. Total of 24 hours.

Para mas maintindihan mo, ang kadalasan na ginagamit na 18/6 ay ang oras na 8pm at 12noon.

At exactly 8pm, hindi ka na dapat kumakain ng kahit ano maliban lang sa pag inom ng tubig. At pwede ka na kumain ulit kinabukasan ng 12 ng tanghali. Ibig sabihin, hindi ka kakain ng breakfast o almusal. Kung iisipin mo, medyo mahirap yun, lalo na kung nasanay na ang katawan mo na kumakain ka palagi ng almusal tuwing umaga.

Meron kang 8 hours na pwede kumain? So, ibig sabihin ba pwede ako kumain ng kumain sa loob ng 8 hours?

Hindi po. You have 8 hours eating window, at gagamitin mo ito into different type of meals. Breakfast, lunch, and dinner.

For example, 12 ng tanghali, yan ang breakfast mo, then mga 2pm or 3pm yan ang lunch mo, then mga 6pm or 7pm ito naman ang dinner mo. Basta pag 8pm na bawal ka na kumain.

Ano ang dapat kainin? Eto lang ang suggestion ko.

12 ng tanghali breakfast

-Kahit anong tinapay at palaman. Basta wag yung maaasukal na tinapay tulad ng ensaymada. 2 slices of tasty bread  is enough.

– With any kind of fruit. Like banana or apple.

– Water lang ang iinumin mo. No soda. No diet soda. No energy drink. No coffee. No juice or iced tea. 1 cup of black coffee is fine.

2pm or 3pm lunch

– before ka kumain make sure, drink 1 full glass of water.

– 1 cup of rice. any ulam. kung baboy na may taba, alisin ang taba. Much better kung half cup of rice lang. the best din kung gulay ang ulam mo.

– IMPORTANT: dapat may side dish ka na gulay. kahit anong gulay.

– Water lang ang iinumin mo, no soda. no diet soda. no energy drink. no coffee.

6pm or 7pm dinner

– before ka kumain, drink 1 full glass of water.

– kung gusto mag rice, half cup of rice lang. No meat. No pork or beef. Fish is fine.

– water lang inumin mo. no soda. no diet soda. no energy drink. no coffee.

– the best kung gulay ang ulam mo. ok lang may 1 hard boiled egg.

-eat any fruits for side dish.

Yan ang recommendation ko kapag nagsisimula ka pa lang sa intermittent fasting. Hindi ito crash diet. Dahil pwede mo pa rin kainin ang favorite ulam mo as long na wag mo dadamihan ang ulam lalo na kung ito ay baboy. You can still eat rice pero 1 cup of rice is the maximum for lunch and half cup for dinner. Pero the best ang no rice. Pwede ka mag gulay na lang with fruits.

Exercise? Kung gusto mo bumilis ang pagpayat mo, kelangan mo talaga mag exercise. Pwede ka din naman hindi mag exercise kaso magiging “skinny fat” ka. Panget yun. Kung gusto mo talaga magkaroon ng magandang katawan, mag exercise ka, it will tone up your muscles and improve your cardiovascular na maganda sa puso. Pwede ka din mag gym kung gusto mo.

Kung ikaw ay tipong tao na hindi talaga nag eexercise. Pwede mo simulan sa simpleng paglalakad lang or brisk walking.

Mas ok ang jumping jacks ng 30 seconds then 1 minute rest. then jumping jack ulit ng 30 seconds. Mas effective ang sprinting for 20 to 30 seconds then 1 minute rest. Mas ok to sa umaga gawin.

Maraming salamat