PAANO GAMITIN ANG CALAMANSI AT AAKALAIN NILANG NAG GLUTA KA

Narito ang ilang paraan upang gamitin ang calamansi pampaganda ng balat.

CALAMANSI BILANG PAMPAPUTI

Ang kalamansi juice ay matatawag na natural bleaching agent kaya’t nagagawa nitong mapaputi ang siko at kili-kili. Mainam din ito para maiwasan ang wrinkles at iba pang senyales ng pagtanda.

Kaya naman, maituturing na nating best friend ang kalamansi dahil sa kagandahang naibibigay nito sa ating katawan at maging sa ating kutis. Kung mayroon ka nga namang hyperpigmentation problems sa tuhod, elbows, armpits at under eye circle, maaari mong gamitin ang kalamansi para maibsan ang problemang ito.

Hiwain lamang ang kalamansi at tanggalin ang buto nito, ipahid ito sa maitim na siko at tuhod bago maligo. Hayaang nakababad ng 5 hanggang 10 minuto. Regular itong gawin hanggang sa pumuti ang inyong mga black spot sa katawan lalo na ang tuhod at siko.

CALAMANSI PANTANGGAL NG TIGYAWAT

laban sa pimples, ang taglay nitong vitamin C na galing sa katas ay lumalaban upang madaling matuyo ang pimples at hindi na lumala pa.

Kumuha ng isang kalamansi, mas maganda ang fresh at bagong pitas, siguraduhin rin na walang sira ang gagamitin na kalamansi.

Hiwain ito sa dalawa at pigain ang katas sa malinis na lalagyan katulad ng platito o kaya maliit na tasa. Pagkatapos, kumuha ng cotton o bulak at isawsaw ito sa katas ng kalamansi.

Ipahid ang bulak na may katas sa mukha na may pimples at siguraduhing pino ang pagkakalagay nito.

Hayaan ang katas ng kalamansi sa iyong mukha sa loob ng 15 hanggang 20 minutes bago hugasan ng malinis na tubig.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here