Paano ba mag-alaga ng apat na bata during Qarantine na mag-isa?

Hi guys, halos apat na buwan  na po tayo na naka under quarantine, at ito ang aking buhay ay umiikot sa pag-aaalaga ng apat na bata mag-isa sapagkat ang aking partner ay nasa malayo at itong dalawang kung mga alaga na parang mga anak ko din ay nasa malayo din ang nanay  nila.

Paano ba na nakakaya ang mag-alaga ng apat na bata during ng  ganitong panahon?

Syempre alam naman natin na bawal sila lumabas di puwede dahil mahirap na at bakit madapuan pa sila ng nakakatakot na sakit kaya ikaw lahat magluluto,maglalaba.maglilinis ng Bahay,at kung ano-ano pa.  maliban doon ay nagsusulat din ako at kung ano ano pa ang pinagkakaabalahan sa buhay para lang may kita.

Medyo hindi madali lalo at ang dawala ng mga alaga ko ay maliliit pa sila kumbaga nakakaawa pang utuson dahil kahit na uutusan mo ay uulitin mo din dahil hindi ka sigurado kung nagawa ba nila ng tama ang pinapagawa mo.

At ang dalawa naman ay mga teenegers, alam naman natin na pag-teenegers ay may mga katamara talaga sa panahon ngayon ang hilig lang ay humawak ng cellphone,manuod ng tv at kumain hahah totoo iyan,kaya mahirap.

Kaya naman nag suggest ang aking partner na gumawa ng list sa mga dapat nilang gawin like sa tanghalin ang isa ang maghugas ng plato then sa gabi yong isa naman. Ayon ginawa ko po yan, yon nga lang sa kasamaang palad eh maya maya ang kain maya maya din ang husgasan at dahil tanghali at hapon lang naman naka skedyul ang kanilang paghuhusga ay doon lang din sila naghuhugas ng plato hahah nakakaloka.

Mahirap man ngunit masaya kasi para kona lang silang mga kapatid nag bobonding kami tulad ng laro dito sa Bahay para hindi kami mainip naging isip bata ako at this moment.

At higit sa lahat kahit naman may mga katamara itong mga ito ay madali naman sila mapakiusapan at ramdam ko na mahal nila ako bilang kanilang ina at Tita.

O kayo ano ang kuwentong quarantine ninyo? please comment po tayo sa baba, Salamat

1 COMMENT

  1. Gawin mo ung magbhugas sa tanghali hanggang bgo mag hapunAn siya pa din mag hugas o maglinis ng lababo din ung sa Gabi siya Naman maghugas at maglinis ng lababo bago matulog dapat maging consistent sila, at ung dalawang Bata turuan mo sila magligpit ng higaan at mag walis at maglins.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here