Paano anyayahan papasok sa tahanan ang suwerte?

Ito ay isa sa pinakamabisang pang akit ng suwerte.

Kumuha ng mga bulaklak na sariwa kahit ano basta sariwa. Tanggalin ito ang mga petals nito ilagay sa isang vase o basong babasagin,haluan ito ng kalahating kutsara ng asukal at patakan ng tatlong patak ng honey saka mo ito ilagay sa center table ng inyong bahay,ito ay mabisang nakakapanghalina ng suwerte na papasok sa ating tahanan.

Sa kusina naman magsabit ng tatlong piraso ng cinnamon sticks talian ng pulang ribbon o sinulid isabit ito saan mang parte ng inyong kusina.

Sa kuwarto naman ng mag asawa maglagay ng kahit isa o tatlong cinnamon stick talian din ito ng pulang ribbon sinulid kaya ay yarn Ilagay sa ilalim ng inyong tulugan o kama upang laging mananatili ang tamis ng pagmamahalan sa pagitan ninyong dalawa.

At upang mas lalo maging masaya at masuwerte ang tahanan lagi tayong tumawag sa taas may kailangan man o wala upang magpasalamat at humingi lagi ng kanyang gabay. At syempre lagi tayong magsikap na maabot Ang ating pangarap na suwerte sa ating buhay at tahanan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here