Online dating madali lang ba? Ano ba ang maaring maging dulot nito?

Marami sa mga kababaehan Lalo na dito sa atin sa filipinas ay nahuhumaling sa dating online. Ngunit ano nga ba ang maaring maging magandang maidulot at hindi magandang maidulot nito?

Una sa magandang dulot nito ay pagkakaroon ng chance na nakanap ng bagong kaibigan na makakausap.

Pangalawa. maaring mong matagpuan dito ang taong tunay na pag-ibig. Sa pakikipagsapalaran natin sa isang dating site ay walang kasiguraduhan ngunit may tsansa na dito mo siya matatagpuan at kung mangyari man iyong syempre ikaw ay lubos na magiging masaya at maligaya.

Maging maingat po  tayo sa pakikipag usap karamihan sa ating mga babae ay madaling madala sa mga matatamis na salita at mga pangako.madali tayo minsan maniwala. Minsan kasi may mga lalaking ang galing galing ng mga dila nila pagdating sa mga matatamis na salita at mga pangako na di natin maiwasan ang kiligin at maniwala dito. Iyon naman pala ay pinapasakay ka lamang ng tao na ito, syempre pag Nakita niyang paniwalang paniwala kana sa kanya ay hihingi na yan sayo ng sexy photos mo, ikaw naman sigi sexy photos lang pala ehh upang mapasaya mo siya. hangang sa umabot na  humingi siya sayo na larawan mong hubad.

Mag-iisip ka kung pabibigyan moba siya, at dahil napamahal ka na sa kanya ay pinagbigyan mo siya. at dito na magsisimula ang kalbaryo sa buhay mo. Bakit? kasi puwede nilang gamiting ang mga litratong ito para iblackmail ka nila. Halimbawa tatakutin ka nila na ipopost nila ito sa social media o kaya naman ay isesend sa mga kaibigan at pamilya mo sa facebook. Kaya sa takot mo sa kahihiyan na maaring mong danasin susunod ka sa lahat ng ipapagawa niya ang iba ay hihingian kapa ng pera. May kilala akung isang kaibigan na nangyari sa kanya ang ganito hangang sa nagkakautang-utang siya,noong dina siya nakapagbigay ng pera ay senend nga nito ang hubad niyang mga larawan sa pamilya niya at kaibigan.

Sa subrang kahihiyan ay namuhay siyang mag-isa ngayon,at labis na pinagsisihan ang nagawa.

Take note guys. Ang tao talagang may malinis na intension sayo ay irerespito ka, di ka hihingian o gagawan ng kung ano-anong kabastusan. Lagi po tayong mag-iingat lalo sa dating site marami pong manloloko ngunit mayroon ding matitino maging matalino lamang po tayo. Ako ay isa ding mapalad na nakatagpo ang aking hubby sa isang dating  site na talaga namang masasabi kung the one sa subrang kabaitan at mapagmahal. Ulit maging matalino po tayo at wag basta-basta magtiwala sa ganitong klase ng pakikipag date.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here