MGA PALATANDAAN AT INDIKASYON NG MGA BALAT SA KATAWAN

May balat kaba sa parte ng iyong katawan? Alamin ang indikasyon ukol dito.

Ang taong may nunal sa kanyang paa ay nangangahulugan na siya ay ipinanganak na mahilig makipagsapalaran. Mahilig maglakbay

Ang taong may nunal sa kanyang mukha ay magiging matagumpay na negosyante.

Ang taong may nunal sa gitna ng kanyang ilong ay magiging mayaman pero malungkot ang buhay.

Ang taong may nunal na malapit sa kanyang mata ay kaakit-akit sa ibang kasarian

Ang nunal sa kamay ang nagpapahiwatig ng kayamanan  masikap o pagiging magnanakaw.

Ang taong may nunal sa kanyang gitnang likuran ay nagpapahiwatig na siya ay tamad.

Alamin ang ibig sabihin ng hugis ng ating katawan

Ang taong may malaking tenga ay mabubuhay ng matagal at malakas ang pandinig

Ang mga babaeng may malapad na balakang ay magkaka-anak ng marami

Ang mga taong may  natural na curly ang buhok ay mahirap intindihin at madalas mainitin ang ulo

Ang mga taong magkasalubong ang mga kilay ay madaling magselos.

Ang mga taong may malalaking puwang sa pagitan ng kanilang mga ngipin ay likas na mga sinungaling.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here