Mga dapat nating kaiinin upang makaiwas sa sakit na kanser

Isa sa mga kadahilan sa pagkakaroon ng kanser ay maarin sa ating mga kinakain. Dapat nating alamin kung papano natin ito maiiwasan. Mahirap po magkasakit,mahal magpagamot, kaya nararapat na pangalagaan natin ang ating kalusugan.

Alam ba ninyo na ang pag-iwas sa mga maaalat nga pagkain ay isa paraan upang maiwasan natin ang kanser at sakit sa bato?

Narito ang mga pagkain para iwas kanser.

Kiwi fruits:  Ang Kiwi ay mayroong kanser-fighting antioxidants at mayaman din sa vitamin C at E kaya nagpapalakas nito ang immune system.

Ang Kiwi ay may flavonoids at carotenoids na nagbibigay ng proteksyon sa DNA mula sa pagkasira o oxidative stress na nagreresulta sa kanser. Maganda ito laban sa Atay, Tiyan, breast at lung kanser.

Avocado:  Ang monounsaturated fats na makukuha sa avocado ay nakatutulong upang ma-absorb ang antioxidant gaya ng lycopene na nakukuha sa kamatis at beta-carotene na nasa carrots.

Pero ang pinakamabisa umanong bahagi ng prutas na ito ay ang buto. Ang 70 porsyento ng antioxidant ng avocado ay makukuha sa buto.

Ang buto ay mayroong flavonol, isang malakas na antioxidant na nakatutulong upang pabagalin ang paglaki ng tumor. Pinapatay din nito ang leukemia cells.

Repolyo:  Ang mga tao na kumakain ng repolyo ay mababa ang tyansa na magkaroon ng colon kanser.

Ang repolyo ay mayroong bioflavonoids na nagbibigay ng proteksyon sa cell laban sa free radicals at hinaharangan nito ang paglaki ng tumor.

Ang pagkain naman ng hilaw na bawang ay isang magandang paraan na makakatulong sa ating kalusugan. Makakatulong itong lababan ang anumang uri ng sakit particular ang kanser, high blood, sipon ubo at marami pang iba.

Sinasabing isa ding magaling  na panlaban sa kanser ang pagkain ng prutas ng guyabano ang guyabano ay isa sa sinasabing magical plants dahil sa maraming magandang benepisyo nito sa ating katawan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here