Mga Dapat Gawin Kung Kayo ay Inaaway ng Kabit ng Inyong Asawa

Kayo po ba ay nakakaranas ng pangangaway ng kabit ng inyong asawa? Yong tipong parang ikaw pa ang nang-agrabyado sa kanya? Yong tipong parang siya ang tunay na asawa at ikaw ang kalaguyo?

Narito ang dapat ninyong gawin.

Una ipamukha mo sa kanya sino at ano siya sa buhay ng asawa.

Pangalawa. Kausapin mo siya pagsabihan mo na kung hindi siya titigil ay ipapabaranggay mo siya.

Pangatlo. Kausapin ang iyong asawa sa maaayos na paraan upang ipaalam sa kanya ang nangyayari.

Pang-apat. Karamihan sa mga kalaguyo ay sila pa ang matapang,subukan ang wag silang patulan minsan may mga pagkakataon na kailangan nalang nating tumahimik, basta dika Naman niya sinasaktan physically ay wag mona lang patulan.

Wag mong ibaba ang level mo sa level niya isaisip mo palagi na higit sa inyong dalawa ikaw ang mas may karapatan, at kaya gumagawa sila ng gulo upang tuluyan masira ang pamilya mo at makuha niya ito ng tuluyan.

Kaya wag magpadala sa iyong emosyon, isipin muna ang tamang hakbang bago gumawa ng aksyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here