Mga dapat dapat gawin pagkatapos ng hiwalayan

Mahirap naman talaga tanggapin at masakit kapag inayawan kana ng taong iyong mahal yong sasabihin niyang itigil na natin ito maghiwalay na tayo. Kahit na gustuhin mong tumutol ngunit siya ay pursigido na ay wala kanang magagawa kundi ang pakawalan siya.

Ngunit ano ba dapat ang magaganda mong gagawin?

1, Iwasan mo na ang kausapin pa siya, siya ang may gusto na itigil na ang inyong relasyon kaya naman dapat ay iwasan mona din ang makipag-usap pa sa kanya. Alisin mona din siya sa iyong facebook upang hindi kana mas masasaktan pa lalo na kung makikita mong masaya na siya sa iba.

2, Huwag kang magmukmok. Oo nariyan ang sakit dahil sa pag-iwan niya sayo, ngunit hindi ito ang katapusan ng mundo wagmong sirain ang iyong sarili dahil lamang sa hiwalayan ninyo.

3, Subukan ang magfocus at magsaya kasama ang iyong pamilya at mga kaibigan. Higit kanino man sila ang tunay na nagmamalasakit at nagmamahal sayo at handa kang damayan. Wag matakot na sabihin sa kanila ang tunay mong damdamin

4, Paglaanan ng pansin ang mga bagay na kapaki-pakinabang  Kaysa manatali ka sa isang tabi at magmuni-muni subukan mo ang lumabas mamasyal magpaparlor o kaya naman ay maglinis ng buong kabahayan

Panlima, Alisin ang lahat ng kanyang ala-ala gaya ng mga picture niya itapon muna iyan o kaya naman ay sunugin muna mas maganda kung wala kang makikita na kahit anumang bagay na magpapaalala sa kanya.

Yan, sana ay sundin mo ang tips na ito wagkang magmukmuk maging matapang ka at maging positibo

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here