Mga Dahilan ng Hiwalayan

Una, kawalan ng tiwala sa karelasyon. Kung minsan kasi may mga babaeng magkulang lang sa kanya ng konti ang kanyang partner ay pinagdududahan ng may ibang babae. Ang mga lalaki naman, may makita lang kausap ang kanyang misis o girlfriend, para ng bulkang sumasabok. Hay naku, kung hindi kayo magtitiwala sa isa’t isa ay walang mangyayari sa inyong relasyon. Sigurado akong hindi magiging  forever ang inyong pagsasama.

Pangalawa, pera. Aminin mo man o hindi, kalimitan ang kakulangan sa pananalapi ang dahilan kaya naghihiwalay ang mag-partner. Hindi na kasi nila natatandaan ang sinumpaan nila. Ang mahalaga sa kanila ay ang pambili ng makakain. Kaya, talaga importante na may sapat kayong ipon para kapag may emergency na dumating ay mayroon ka ring madudukot. Tulad na lang ngayong panahon ng Covid-19.

Pangatlo, nakikinig sa mga tsismosa. Sa relasyon ninyo, hindi kayo dapat nagpapapasok ng kung sinu-sino. Kung may problema, dapat ninyo ‘yang pag-usapan. Hindi maaari iyong mas nakikinig pa kayo sa sinasabi ng ibang tao kaysa sa partner niyo. Iyon nga lang, may pagkakataon na hindi magawang aminin ng iyong partner ang tunay niyang nararamdaman kaya ipinangangalandakan na lang.

Pang-apat, nawawalan ng respeto. Tulad nga ng sinabi ko kapag may problema ay dapat pag-usapan pero may mga babae o lalaki na mas gusto pang i-broadcast ang masamang nangyayari sa kanilang relasyon. Gaya na lang ng pagpu-post sa social media ng kanilang awayan. May mga oras pa na nagpapaawa ang isang babae para mapahiya ng todo ang kanyang mister o boyfriend.

Panlima, pagtataksil. ‘Yan ang pangunahing dahilan naghihiwalay ang mag-asawa o magkarelasyon. Dahil kasi rito, lahat ng respeto, pagmamahal at tiwala mo sa isang tao ay parang gusali na bigla na lamang guguho. Kaya nga importanteng maging tapat ka lagi sa’yong ginagawa at nararamdaman.

O, kamusta ang relasyon mo kay Labs?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here