May Patutunguhan ba ang Long Distance Relationship?

May mga magkarelasyon na hindi kinakaya ang long distance relationship pero mayroon din namang mag-asawa o mag-boyfriend na kahit na hindi magkasama at milya-milya ang layo sa isa’t isa ay nakukuhang magtagal ang kanilang relasyon. Ano ang siketo sa kanilang relasyon? Naririto ang ilan at epektibong paraan kaya nagtatagumpay ang kanilang long distance relationship.

Una, panindigan ninyo ang pangako ninyo sa isa’t-isa. Kung talagang nagmamahalan kayo ay hindi kayo magpapatukso. Magtitiwala kayo sa isa’t isa at hanggang sa huli ay paninindigan ninyo ang pangako nito. Kailangan din ay respetuhin ninyo ang isa’t isa kaya kung may nagsasabi sa inyo na ;maganda’ o ‘pogi’ kayo, iwasan na ninyo dahil ibig sabihin noon nakikipag-flirt na siya.

Pangalawa, komunikasyon. Hindi man kayo magkasama ng mahal mo, importante na may sapat kayong komunikasyon para alam ninyo ang nangyayari sa isa’t isa. Sa pamamagitan din ng pakikipagkomunikasyon ninyo ay mas titibay ang inyong pagmamahalan. Dahil kasi dito ay nagagawa ninyong suportahan ang isa;t isa.

O, ganito ba ang klase ng long distance relationship mayroon kayo ng iyong mahal? Hiling ko na mas tumibay pa iyan at maging matagumpay habambuhay. Gayunman, sana ay dumating ang araw na magkasama rin kayo para mas mapanindigan ninyo ang inyong pagmamahalan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here