Masarap ngunit masakit ang magmahal

Kapag tayo ay nagmahal syempre nais din natin na masuklian ang pagmamahal na ito. Mas masarap naman sa pakiramdam yong mamahalin ka din ng taong mahal mo katulad ng pagmamahal mo sa kanya. Yong lahat ng bagay ay pinagkakasunduan ninyo.  Walang ayaw walang gulo, walang tampuhan ni walang anumang samaan ng loob yong palagi lang kayong masaya at malambing sa isat-isa.

Ngunit sa panahon ngayon parang lahat ng ito ay sa mga movie nalang natin napapanuod, ngunit di mangyayari sa totoong buhay.

Di naman talaga maiiwasan ang tampuhan at selosan ang isang pagmamahalan parte na talaga yan ng isang relasyon. Kaya dapat bago tayo pumasok sa isang relasyon ay alam na dapat ay handa tayo sa maaaring kalalabasan nito. Ang maaring kakahantong nito maaaring sa simbahan o maaari ding sa hiwalayan. At upang humantong sa simbahan dapat ay parehong kayong maninindigan sa isat-isa Yung kahit dadaan man kayo sa mga pagsubok ng inyong relasyon ay mas pipiliin ninyo itong ayusin kisa tapusin maaaring mabigat na problema ang inyong pagdadaanan ngunit kung parelo kayong lalaban sa hamon na ito at hawak kamay at buong tapang ninyo itong haharapin tiyak na sa simbahan ang magiging ending.

Kaya guys kapag kayo ay nagmahal dapat ay handa kayo masaktan magsakripisyo at syempre magtiis. Ngunit dapat din ay alam din ninyo ang limitasyon ninyo pagdating dito. Pag nakikita mong magiging dihado ka sa bandang huli di masama ang sumuko let go at bigyan ng chance ang sarili na nahanap ang tunay at wagas na pag-ibig