Mapera nga ba ang isang babae pag may foreigner partner siya?

Hello po sa lahat, pag-usapan naman natin ang buhay ng may mga partner o asawang foreigner. Dito kasi sa Filipinas ang pagkakaalam ng karamihan kapag may asawa o partner kang foreigner ay mapera at mayaman kana agad. Hindi po totoo iyan. Opo may ilan na ganun depende po kasi sa foriegner na napangasawa nila may iba naman talagang mayayaman, ngunit hindi po lahat.

Tulad ko ang partner ko ay isang foreigner binigyan nya kami ng aking mga anak ng magandang buhay nakakain namin ang ibig naming kainin nabibili lahat ng aming pangangailangan tinira sa maayos na lugar at paligid at higit sa lahat binusog ng pag-aalaga at pagmamahal.

Minsan sa ating mga Filipino ay talagang nage-expect sila ng mas higit pa doon. Hindi po porke dahil may asawa o partner kang foreigner ay mayaman kana agad, ang iba po ay sapat lamang. Ang iba kasi sa atin pag-alam nilang foreigner partner mo tapos humingi sila ng pabor sayo like sa pera, at pag hindi mo sila mapagbigyan ay sasabihin nilang ay nagbago na siya ang laki ng nangpinagbago niya. Yong iba nga dyan ay ikokompara kapa nila sa iba, sasabihin oy si ganito ang suwerte ano ang yaman ng napangawa lahat ng pamilya niya suportado. Opo kasi po kaya niyang suportahan kasi siguro nga ay mayaman yong partner niya.

Tayo naman talagang mga Filipino ay sadyang subrang mapagmahal sa ating pamilya gagawin natin ang lahat ng ating makakaya makatulong lang sa kanila. Ngunit kung wala naman po talaga ay dapat maintindihan natin yon kahit pa sabihin na foreigner ang parter mo kasi ang kita nila ay sapat lang din,di naman kasi lahat ng foreigner ay mayaman yong iba ay sapat lang din, masasabi nating mayaman sila kapag andito sila sa Filipinas kasi Malaki po ang value ng pera nila dito pero pag  nasa kanilang bansa sila ay ganon din ang halaga  katumbas lang din sa atin

Yong iba kapag dika matulong sa kanila tatawagin ka nilang madamot at mayabang na para sa kanila. Sana maging open  po ang ating isipan sa mga ganitong usapin kasi minsan di na din natin alam na nakakasakit na tayong ng damdamin dahil lamang sa ating maling paniniwla dipo lahat ng  may asawa o partner na foreigner ay mayaman na. Kaya nga po karamihan sa may mga partner na foriegner ay nagsisikap at nagtratrabaho pa din sila upang makatulong at mayroon siyang sariling kita.