Mahal ka nga ba ng tao kapag siya ay nagseselos

Envy

Marami ang nagsasabi na kapag mahal ka ng isang tao ay nagseselos siya kapag ikaw ay nilalapitan ng ibang lalaki o babae. Siyempre, ang nais lang niya ay manatiling kanya ang iyong pag-ibig.  Sa aking palagay ay talaga namang nakakakilig ang mga salitang iyon kaya lang kapag masyado namang pagseselos ang ipinapakita niya ay OA naman yata.

Alam mo kung talaga kasing mahal ka ng isang tao ay pagkakatiwalaan kanya. Hindi naman porke may nakita lang siyang kausap mo ay iisipin na niyang pinagtataksilan mo siya. Baka naman kasi mamaya ay may tinanong lang kaya mas maigi munang alamin ang totoo bago mag-react.

Kung ang partner mo ay tipong  hindi niya pinaniniwalan ang sinasabi mo, iyong ipipilit  pa rin niyang may ginagawa kang masama, aba, mag-isip ka na kung pakikisamahan mo pa ang tao na ‘yan dahil tinitiyak ko sa’yong hindi pagmamahal ang dahilan ng kanyang pagsslos tulad ng madalas niyang iagpilitan.

Ang tunay na dahilan kaya siya nagseselos ay dahil sa sobra-sobang insecurity na nararamdaman niya. Tiyak na nakakaramdam siya ng takot na baka siya ay bigla mo na lamang palitan. At kalimitan ang taong walang tiwala sa’yo ay madalas nakagagawa ng bagay na makakasakit sa’yo.

O, gugustuhin mo ba talagang manatili sa isang relasyon kung hindi ka naman niya inagkakatiwalan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here