Magpausok nito upang tuluyang maalis ang mga kalamasan

Narito ang mga sangkap na maaari nating gawin ba ipasok sa ating buong kabahayan upang maalis ang mga negatibong enerhiya at kamalasan sa ating mga tahanan.

Kailangan lamang po natin ng tatlong  dahon ng laurel, dahon ng sibuyas, dahon ng tanglad ibilad at patuyuin po muna ninyo ang mga ito, at kailangan din natin ng balat ng mani.

Kumuha po ng isang malaking bowl pagsama samahin dito ang mga sangkap sa dahon ng laurel ay isulat po ninyo ang lahat ng mga kahilingan bago isama sa isang bowl at saka ito haluing mabuti habang hinahalo po ninyo ito ay humiling kayo, kung ano man ang mga kahilingan na nais ninyo ay sabihin ninyo, wag na wag po tayong gumamit ng salitang sana saka isama ang mga dahon sa iba pang sangkap. Ngayon ay kumuha ng lata o ano mang bagay na hindi nasusunog ilagay dito ang lahat ng sangkap na pinaghalo – halo kumuha ng uling at pabagahin ang uling saka ilagay sa mga sangkap.

Ngayon pagbaga na ang uling at umuusok na ang mga sangakap dito pausukan ang buong kabahayan mula sa labas ng buong tahan papasok sa buong paligid ng kabahayan ay siguraduhin na magpausok mong mabuti lahat ng sulok ng kabahayan at dapat magsimula sa labas papasok ng kabahayan mo. Sala ilalim ng sofa kusina sa kubita sa inyong mga silid sa ilalim ng inyong mga kama. Lahat po ng sulok kahit po sa inyong mga bodega kung meron. Saka mo din pausukan ang iyong sarili.

Ito ay upang lahat ng negatibong enerhiya at kamalasan ay maglalayan. Gawin po natin ito kahit isang beses po sa isang linggo kahit anong araw at oras malaki po ang maitulong nito upang tuluyang maaalis ang anumang negatibong enerhiya at kamalasan na nakadikit sayo at sa inyong tahanan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here