Mag-asawang Laging Nagtatalo, Mas Tumatagal

‘Kapag ang mag-asawa ay nakita nating nagbabangayan palagi, ang agad nating iniisip ay maghihiwalay sila. Paano, halata naman na hindi sila nagkakasundo kaya minsan ay nakikipagpustahan pa tayo sa iba kung maghihiwalay nga ba sila o hindi. Nang una ay ganoon din naman ang impresyon ko sa kapatid ko at hipag. Madalas silang mag-away kaya akala ko sa goodbye din mauuwi ang kanilang relasyon pero tumagal na sila ngayon ng 22 years.

Kaya, kahit na nag-aaway o nagsisigawan ang mag-asawa ay hindi dahilan ‘yan para sila ay maghiwalay lalo na kung wala namang third party na namamagitan sa kanila. Sa katunayan nga, mas tumatagal pa ang pagsasama ng mag-asawang laging nagtatalo kaysa sa mga mag-asawa na ang sama ng loob sa isa’t isa ay kinikimkim na lang.

Bakit ganoon?

Kapag kasi ang mag-asawa ay madalas magtalo, madali silang magkaintindihan. Ang galit nila sa isa’t isa ay agad nawawala kapag nagkaintindihan na sila at naglambingan samantala kung hindi nag-uusap ang mag-asawa ay hindi nila nagagawang ayusin ang kanilang problema, sa halip, lumalala lang ito kapag nagtanim sila ng sama ng loob sa isa’t isa hanggang sa lahat ng galit na kinikimkim nila sa isa’t isa ay parang granadang sumasabog.

O, anong relasyon ninyo ng asawa mo?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here