Kapatid ko ang tatay ng anak ko

 Hello po Pinays at love,nais ko lamang i share ang aking masalimuot na buhay,  nawa po ay kapupulutan ito ng aral ng kabataan, maging ng mga magulang.

Tawagin niyo lamang po ako sa pangalan Dory, ako po ay 20 years old na ngayon tubong samar po ako, at ngayon po ay nandito ako sa manila at namamasukan bilang isang kasambay. 15 years old po lamang ako ng ako po angsimulang magtrabaho dito sa maynila dala ng kahirapan sa buhay, ang aking ina ay isang simpleng housewife po lamang at ang itay naman po ay magsasaka.  Walo po kaming magkakapatid, kaya naman po ay hangang grade 5 po lamang ang aking natapos.

Dahil nga po sa hirap ng buhay, noong inaya ako ng aming kapit na mamasukan ng katulong sa manila ay agad akung nagpaalam sa aking mga magulang na samama ako sa kapitbahay namin patungo ng maynila upang mamasukan bilang isang kasambahay, malaki din pong tulong ang 3500 na sahod kada buwan, kaya naman ay agad din nila akong pinayagan.

Mabait po ang aking amo sa mapasukan madalas akung  umuutang sa kanila upang maipada sa aking mga magulang sa samar, at madalas din nila akung sinamasa sa bahay ng kanilang magulang. May farm po sila sa bulacan ang mga produkto na nakukuhan nila mula dito ay mga itlog ng pato na kanilang sinusuply sa mga malalaking restaurant.

 Dahil po doon ang mga tauhan nila ay madalas din sa bahay ng mother ng amo kung babae kung saan araw arw kaming nagpupunta. Doon ko po nakilala si Itsoy na siyang  pahinante ng driver.  Mabait po si Itsoy at siya po ay 17 years old noong time na iyon. Magaan ang loob ko sa kanya at madalas kaming nagkakasabay sa pananghalian,  minsan po ay day off ko at day off niya din inaya niya ako mamasyal at ako naman po ay agad na sumama sa kanya mabait po at hindi bastos kaya naman po ay nahulog ang loob ko ng tuluyan sa kanya, kaya naman po noong liwagan niya ako ay hindi na po ako nagpatumpik tumpik pa, agad ko po siya sinagot, lumalim ng husto ang aming pagmamahalan tuwing day off naman laging kaming magkama. Siya din ay tubong samar din, hangang sa isang araw ay naging mapusok kami at may nagyari sa amin,  hinbi lang isang beses maraming hangang sa ako po ay nabuntis.

Iyak po ako ng iyak noon natatakot po ako na baka ano ang gagawin ng aking mga magulang sa akin. Nang nalaman ng amo ko ay sinabi niya na makakabuting umuwi muna kami ni Itsoy sa amin sa sabihin sa mga magulang ang nangyari, umuwi kami ng samar ngunit dipo sa aking mga magulang kundi sa mga magulang ni Itsoy.  Pagdating namin sa kanilang lugar ay pinakilala ako ni Itsoy sa kanyang mga magulang mabait naman po sila ngunit nang tanungin ako ng kanyang ina kung saan ako sa samar at sino ang aking mga magulang ay biglang siyang magulat at nanlaki ang mata noong marinig niya ang pangalan ng aking ama. Umupo siya sa upuan na parang lumong lumo at ang sabi, hindi, hindi ito puwedeng mangyari. Pareho kaming maguguluhan ni Itsoy dahil sa sinabi ng kanyang ina kaya naman ng medyo nahimasmasan ito ay sabay kami ni Itsoy na nagtanung? Ano po bang nangyari, at ano po ang ibig

sibihin. Sumagot ng kanyang ina na kami ni Itsoy ay magkapatid sa Ama. Gulat na gulat po ako at di alam kung paano nagyari.

Sinabi niya na minsan ay napasyal ang aking ama sa kanilang lugar noong kabataan nito fiesta noon ng sila ay nagkakilala at nainlove sa isat isa hangaang sa may nangyari sa kanil, hindi nalaman ng tatay ko na siya ay nabuntis sapagkat umuwi ang tatay ko sa lugar nila ng hindi man lang nagpaalam.

Kaya mula noon ay wala na siyang balita tungkol sa aking ama.

Para kaming pinagbagsakan nag langit nang panahon na iyon litong lito sa mga nangyayari at di alam kung ano ang dapt gawin, ngunit dahil nga po sa kami ay magkapatid ay di kami puwedeng magsama, umuwi kami sa bahay ng aking mga magulang kasama ang ina ni Itsoy gulat na gulat si itay ng narinig niya ang kuwento, at nakilala niya ang ina ni Itsoy di niya daw sukat akalain ng nakabuntis ng mga panahon na iyon, at syempre labis na nasaktan sa nagyayari ngunit wala nangmagagawa nangyari na po ang nangyari.

Pareho nagpasya ang aming mga pamilya pati na din kami na hindi kami maaaring magsama, ngunit itutuloy ko ang aking pagbubuntis, iniisip konalang na ako ay isang disgrasyada.

Wala pong iba nakakaalam sa tunay na dahilan kung bakit hindi kami nagkatuluyan ni Itsoy kundi kami kaming pamilya po lamang, nag tutulongan kami ni Itsoy ngayon para sa pangagailangan ng aming anak pareho kaming nagbalik sa aming mga trabaho makalipas ang dalawang buwan ng ako ay nagsilang ng aming anak. ngayon po ang aking anak ay 4 years old na at wala pa siyang alam sa mga nangyayari ngunit ito din po ay aking ipapaalam pag siya ay nasa tamang gulang na.

Sana po ito ay makapulutan ng araw sa parehong panig magulang at anak hangang dito na lamang po aking kuwento maraming salamt po at God bless, Dora

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here