Alam ba ninyo na di lamang pampaganda ng ating mga kutis ang pagkain ng hilaw na kamatis marami din itong magandang dulot sa ating mga katawan.
Paborito ng karamihan ang kamatis dahil hindi lang ito pampalinaw ng mga mata pampaganda ng ating mga balat at mainam din ito sa mga taong nagpababa ng timbang dahil ito ay mayaman sa antioxidants at iba’t ibang uri ng bitamina. Ayon sa pagsusuri, ang katamtamang laki ng kamatis ay may 28% ng Reference kapag araw-araw kang kumakain nito. nagbibigay din ito ng Vitamin C at iba pang essential nutrients, lalo na kung kakainin ito nang hilaw.
Ngunit, alam ba na hindi lang ito basta source of vitamins? Puwede rin natin itong gamitin sa iba pang mga bagay tulad na lamang ng,
Pangangalaga ng ating mga balat. maganda ding pang-skin care ang kamatis dahil nakatutulong ito na pang-treat ng oily skin, acne at wrinkles. Kumuha lamang ng ilang piraso nito saka ito iblender kung walang blender ay durugin ito ng pino gamitin itong facial o body scrub at ibabad nang 15 hanggang 20 minuto pagkatapos ay banlawan ito ng tubig na maligamgam.
Ginagamit din itong pang lunas ng sunburn at paso magdikdik din lamang ng sariwang kamatis na siyang mong ipahid sa parteng may sunburn o paso.
ngunit kung ito ay malala mas makakabuting pa din ang agad na kumunsulta sa mga doctor upang ito ay mabigyan ng tamang lunas.