Kailan Dapat Matauhan ang may Karelasyon

Men are so angry when I see people lying on the bed with a man's affair with his wife.
  1. Kapag hindi ka na masaya – Hindi naman porke mahal mo pa ang isang tao ay magiging masaya ka pa rin sa kanyang piling kapag lagi na lang kayong nag-aaway, lagi ka niyang sinasaktan at di na talaga kayo magkasundo, mas maigi pa talagang mag-goodby na kayo sa isa’t isa.
  2. Kapag pinipigil ka niya sa’yong pangarap  – Kahit na mahal mo siya, hindi ka niya dapat pinipigilan sa mga plano mo sa buhay. Ang dapat nga ay sinusuportahan niya dahil iyon ang dapat na ginagawa sa taong mahal mo. Mas ibig mo siyang makitang magtagumpay. Kung hindi niya ‘yan ginagawa sa’yo, ibig lang sabihin nu’n, makasarili siya.
  3. Kapag sobra na ang kanyang pagseselos – Ang pagseselos daw ay bahagi ng pagmamahal. Okay lang naman kung nasa katwiran ang pagseselos pero kapag ang pinagseselosan na ng karelasyon mo ay ang mga mahal mo sa’yong buhay tulad ng iyong pamilya at mga kaibigan, hindi na tama ‘yan.
  4. Kapag niloloko ka na – Hindi porke mahal mo siya ay papayag kang dalawa kayo sa buhay niya. Naku ;no, dami pang iba diyan kaya huwag kang magtiyaga sa taong sarili lang ang kanyang mahal. Sa susunod kasing magmamahal ka siguraduhin mong stick to one.
  5. Kapag siya ay iresponsable -Huwag mong asahan na panghabambuhay ang pagsasama ninyo dahil may mga taong mabilis magsabi ng I love you pero hindi naman magawang panindigan. Kaya naman kailangan ay matauhan ka na dahil kung hindi, ikaw din ang kaawa-awa.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here