Kaalaman Patungkol sa Papaya

Scientific name: Carica

Ang papaya ay isa ring karaniwang halaman sa Pilipinas. Ito ay orihinal na nagmula sa tropikal na rehiyon ng Amerika, ngunit ngayon ay kalat na sa iba’t ibang panig ng mundo. Kilala ang berde nitong kulay kapag ito ay hilaw at nagiging dilaw ang kulay nitong kapag ito ay nahinog.

Ang halamang ito lalo na sa mga probensiya ay makikita mo kung saan saang bakuran ng mga kabayahayan.  Ang puno naman nito ay maaaring tumaas nang hanggang 6 na baha. Maaari namang gulayin ang hilaw na bunga ng papaya.

Ano ang mga benepisyo na  na maaaring makuha sa Papaya?

Ang iba’t ibang bahagi ng halamang papaya ay maaaring makuhanan ng maraming uri ng kemikal at sustansya na maaaring may benepisyo sa kalusugan:

Ang papaya ay may taglay na chymopapain at papain na may kakayanang tumulong sa pagtunaw ng pagkain. Mayroon pa itong phytokinase, malic acid, calcium maleate.

Ang mga dahon ay mayroong carpaine, carposide, saccharose, dextrose, levulose, at citrates

Ang bunga ay makukuhanan ng saccharose, dextrose, levulose, mallic acid, pectin, papain, at citrates. Mayroon ding itong mga sustansya at mineral gaya ng calcium, iron, Vitamins A, B, at C.

Ang buto ay may langis.

Anong bahagi ng halaman ang ginagamit bilang gamot, at paano ginagamit ang mga ito?

Maaaring gamitin bilang gamot ang ilang bahagi ng halaman tulad ng:

Dahon. Ang dahon ay maaaring ipantapal sa balat, o kaya ay ilaga at ipainom sa may sakit.

Dagta. Ang dagta ng halaman ay maaaring gamitin din sa panggagamot. Ito ay karawaniwang ipinapahid sa apektadong bahagi ng katawan.

Bunga. Ang bunga ay karaniwang kinakain lamang.

Bulaklak. Ang lalaking bulaklak ng papaya ay ginagamit naman sa panggagamot sa pamamagitan ng paglalaga at pag-inom sa pinaglagaan.

Ano ang mga sakit na maaaring magamot ng Papaya?

1. Athritis. Ang dinikdik na dahon ng papaya ang siyang ginagamit na pantapal sa bahagi ng katawan na apektado ng athritis o rayuma.

2. Dyspepsia. Ang kondisyon naman ng dyspepsia o hirap matunawan ay maaaring malunasan ng pag-inom ng pinaglagaan ng ugat ng papaya. Makatutulong din ang pagkain sa hinog na bunga ng papaya.

3. Hika. Pinapainom ng pinaglagaan ng dahon ng papaya ang mga indibidwal na dumadanas ng hika.

4. Sugat. Maaaring ipanglinis sa sugat ang dagta na nakuha sa sanga at dahon ng papaya. Maaari ding gamitin ang dagta mula sa hilaw na bunga ng papaya.

5. Hirap sa pagdumi. Nakatutulong naman sa mas maayos na pagdumi ang pagkain sa hinog na bunga ng papaya.

6. Urinary Tract Infection (UTI). Para naman sa kaso ng UTI, maaaring inumin ang pinaglagaan ng tinadtad na sariwang dahon ng papaya  na siyang mong gagawing tubig

7. Pagtatagihawat sa mukha. Ipinangpapahid sa mukha ang dinurog na hinog na bunga ng papaya na hinaluan ng katas ng kalamansi upang matulungan ang pagkawala ng mga tagihawat.

8. Bulate sa tiyan. Ang mga bulate sa tiyan ay maaaring maalis sa tulong ng pag-inom sa gatas na hinaluan ng dinurog na buto ng papaya.

9. Pananakit ng sikmura. magpatuyo ng dahon ng papaya at gawing  tsaa at siya mong iinumin.

10. Ubo. Para naman sa ubo, maaaring inumin ang pulot (honey) na hinaluan ng lalaking bulaklak ng papaya.

11. Kagat ng alupihan. Ang dinikdik na ugat ng papaya ay ipinangtatapal naman sa kagat ng alupihan.

12. Iregular na pagreregla. Makakatulong ng pag-inom sa pinaglagaan ng bulaklak at buto nito upang ang buwanang dalaw sa mga kababaihan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here