1. Humarap sa salamin at humawak ng nakasinding kandila – Kapag
ginawa mo ito ng hatinggabi, maaari mo raw makita ang iyong
mapapangasawa. Iyon nga lang baka mamaya ay maligno ang matawag
mo.
2. Mahilig maupo sa dulo ng mesa kapag kumakain – hindi makapag-
aasawa. Kaya, kung ganito ang hilig mo, magbago ka na ng puwesto.
3. Nunal sa may daluyan ng luha – mababalo ka.
4. Kapag pinagligpitan kahit kumakain pa – hindi kailanman makakapag-
asawa.
5. Huwag magbibigay ng panyo sa minamahal – Kapag niregaluhan mo
ng panyo ang iyong karelasyon, lagi lang siyang iiyak dahil sa’yo.
6. Bawal ding magregalo ng matutulis na bagay – Maaari raw kasing
maging dahilan ito para magkasira sila.
7. Kapag ang bituin ay tumabi sa half moon – Bantayan mo ang iyong
anak na dalaga dahil ‘yan ang senyales na siya'y magtatanan.
8. Huwag na maglakwatsa kapag malapit na ikasal – Susundan ka ni
Kamatayan kapag panay ang alis mo kahit malait na ang kasal.
9. Bawal isukat ang trahe de boda – Hindi matutuloy ang kasal.
10. Hindi pwedeng ma-late ang groom sa araw ng kanyang kasal –
Hindi maganda ang kanilang magiging buhay o kaya naman ay hindi
talaga matutuloy ang kanilang kasal.
11. Hindi maaaring malaglag ang belo o singsing habang ikinakasal –
Hindi magiging masaya ang pagsasama ng mag-asawa.
12. Kapag naunang maupo ang lalaki habang sila ay ikinakasal –
Nangangahulugang sila ay magiging andres de saya o magiging sunud-
sunuran sa kanilang misis dahil sa takot.
13. Dapat tapakan ng bride ang paa ng groom – Sa pamamagitan daw
kasi nito, magkakasundo ang mag-asawa sa kanilang pagsasama.
14. Sabay dapat tumayo ang mag-asawa matapos ang kanilang kasal
– Unang mamamatay ang kung sinumang mauunang tatayo.
15. Bawal umiyak ang babae sa araw ng kanyang kasal – malas daw ito
dahil hindi magiging maganda ang kanyang buhay may asawa.
16. Hindi rin maaaring umiyak ang mga magulang ng ikakasal – malas
din daw ito kaya kailangang kontrolin nina nanay at tatay ang kanilang
emosyon.
17. Kapag umulan sa araw ng kasal – Ibig sabihin, magkakaroon sila ng
iyaking anak.
18. Magkasabay ang pag-akyat ng mag-asawa – Iyon ang paran para
walang maging dominante sa kanilang pagsasama.
19. Huwag magsusuot ng perlas na singsing – Magtataksil ang asawa
20. Kunin ang kamiseta ni mister at isampay sa ibabaw ng kalan kung
siya’y umalis ng bahay matapos ninyong mag-away – ‘Yon daw ang
paraan para siya ay bumalik sa’yo.