- Sweet na Misis – Siyempre, hindi naman maaari iyong ikaw na lang ang tanggap nang tanggap. Kailangan din naman na ipapakita mo sa’yong mister kung gaano mo siya minamahal at pinahahalagahan. Ibig din niyang makatanggap ng sorpresa, gusto din niyang maramdaman ang iyong pagmamahal sa pamamagitan ng pag-aasikaso mo sa kanya.
- Maging Tapat lagi si Misis – Hindi naman maaaring lagi na lang sambakol ang mukha ni babae kapag dumadating si mister. Kaya, kung naiinis siya o galit sa kanyang asawa, mas maiging sabihin na lang niya. Mas mabuti iyon at magagawa nilang pag-usapan ang problema. Kung hindi kasi ito masosolusyunan agad, malaki pa ang posibilidad na maghiwalay sila.
- Magkuwentuhan – Makabubuti kung makipagpalitan ka ng ideya sa’yong asawa tungkol sa mga bagay-bagay. May pagkakataon kasing ang sama ng loob niya ay hindi niya magawang ibulalas. Dahil ikaw ang partner niya’y nararapat lang na naramdaman niyang ikaw ang kanyang kakampi.
- Maging maalaga si Misis – Bawat mister ay ibig naman talagang maramdaman ang pag-aalaga ng kanilang asawa. Kaya nga inyong mapapansin na ang babaeng malinis sa kanilang tahanan, marunong magluto at alam ang lahat ng gawaing bahay ay may mas masayang buhay sa kanilang pag-aasawa dahil kontento ang kanilang mister.
- Mahalin din ng misis ang kanyang sarili – Kahit naman kasi may-asawa at anak na siya, hindi pa rin niya dapat pabayaan ang kanyang sarili. Kailangan siyempre ‘yung may tiwala din siya sa kanyang hitsura at kakayahan.
- Masaya dapat lagi si Misis – Mas mabuting lagi mong sasabihin sa mister mo na sobra kang masaya sa inyong pagsasama. Kailangan siyempreng makaramdam ka ng kakuntentuhan.
- Pagkatiwalaan siyang palagi ni Misis – Hindi naman porke kasal na sila ay lagi na lang din nakakulong si mister sa bahay. Hayaan mo rin naman silang magkaroon ng oras sa kanyang sarili kasama ang kanyang mga barkada. Huwag mo agad isipin na siya’y nambabae agad. Tulad ng sabi ko, pagkatiwalaan mo ang iyong mister.
- Purihin mo si mister – Kung may ginagawa siyang effort para ikaw ay tulungan ni mister, masiyahan ka. Huwag mo siyang pupunahin na mali naman ang kanyang ginagawa dahil magdaramdam ‘yan. Ang ipakita at ipadama mo sa kanya ay iyong kasiyahan