Isang tasa ng Ice Cream para pasiglahin ng sexual interest?

Hindi talaga natin mapipigilan na dadating sa ating buhay na  nawawalan tayo ng gana o interes sa pakikipagtalik. Maraming rason kung bakit, isa na  dito ay naging  masyado tayong  abala at  subsub sa trabaho, nagkakaedad o maari din na dahil sa ating mga kinakain. Kaya naman may mga  ilan sa mga pagkain na maaaring nakakatulong upang  ibalik muli ang init pagdating sa ating sex life. Isa sa mga ito  ay ang ice cream. ang Vanilla flavour ice cream.

 Sa isang tasa  lamang ng  ice cream  na ito ay may kakayahan na mapabalik   ang ating muscles na makapagreserba ng lakas  ng ating libido. Ang ating mga  muscles na  sexual at response system ay demedepende sa calcium upang ito ay gumana  ng husto. Ang calcium  na mula sa gatas ang siyang tutulong upang tayo ay makaramdam tayo muli ng init sa ating sexual na interes

Kahit pag-ibig ang pinakamahalaga sa isang relasyon ay hindi natin maikakaila na mahalaga ang pagtatalik o pagsisiping sa parte ng magakapareha. Marami ang nasirang relasyon dahil dito minsan kasi ang isa sa magkapareha ay tuluyan ng nawalan ng gana pagdating dito at ang isa naman ay aktibo pa. Kaya ang ginawa niya ay hinanap niya ito sa iba. Kaya naman habang maaga ay gawan ng paraan na maibalik ang gana pagdating sa sex na kailangan sa panig ng magkapareha o mag-asawa

Maliban  sa pagpapalakas ng ating sex drive, ang ice cream ay may hatid  din itong  kalusugan sa ating katawan kabaligtaran sa paniniwala ng karamihan na ito ay hindi maganda sa ating katawan. Nagagawa din tayong pasayahin ng ice cream dahil sa bilis na epekto nito sa bahagi ng utak natin na tinatawag na orbitofrontal cortex. May mga importante rin itong nutrients gaya ng calcium, phosphorus, potassium, B vitamins at proteins. Nakakatulong din ito bilang pangontra sa infertility. At makatutulong din ito na mabawasan ang ating   timbang.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here