Isa sa pika mabisang pampasuwerte

Naniniwala ba kayong sa mga pampasuwerte? Hindi porke may pampasuwerte kana ay maging tamad ka ha, syempre lahat po ito ay ating sasamahan ng sipag,tyaga,pagsusumikap,at syempre pananampalataya.

Una ay mag sindi ng kandila bilang pagpreresenta sa iyong sarili white po.Saka usalin, Ako ito at ang lahat sa akin. Ngayon  kumuha naman ng itim na kandila at sindihan saka sabihin,ito ang aking kamalasan lisanin mo ako ngayon, hindi kana welcome dito ngayon wala na akung luha pang maibubuhos para sayo.

Ngayon ay sindihan ang Gray na kandila ito ay ang magneutralizes sa mga labi ng kamalasan at  ito ay tuluyan niyang tutunawin ngayon. Sindihan ang Orange na kandila.Ito ay magrerepresenta sa mga magagandang  pagbabago na paparating sa iyong buhay ngayon. Saka mo ito usalin tinanggap ko kayo ng buong puso at ng dalawang kung bukas na mga palad.

Ngayon ay sindihan ang kandilang kulay Magenta at sabihin.

Ito ay ang astral energy na aking kailangan upang mas mapabilis ang magagandang pagbabagong magaganap sa aking buhay .

Ngayon ay umupo ng ilang minuto at usalin ito ng pitong beses Tinatanggap ko ang mga pagbabago.Pinapapasok ang mga magagandang pagbabagong magaganap na paparating sa aking buhay.

Pagkatapos ay hayaan mong tuluyang maupos ang lahat ng kandila at damhin mo ang mga positibong energiyang bumabalot sa iyong pagkatao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here