Ilang sangkap ng Pagpapayaman

Ang una naging sanhi ng mga kamalasan sa ating tahanan ay ang mga negatibong enerhiya. Maya Naman kailangan natin itong alisin at itaboy upang tuloy ang pasok ng suwerte at tayo ay tuluyan umasenso at yumaman.

Narito ang mga sangkap na tuluyang makapagpataboy ng mga kamalasan.

Una ay ang asin  isaboy lamang ito sa mga lugar kung saan mo ramdam ang mga kabigatang nagaganap sa tahanan maaaring din kayong magsaboy nito sa buong palibot ng tahanan tuwing araw ng martes o beyernes.

Kung tingin mo Naman lagi nalang ikaw minamalas sa sarili ugaliin ng maglagay ng asin sa tubig na iyong ipapanligo tuwing umaga upang maalis ang kamalasan.

Maglagay din ng asin sa isang maliit na pouch na pula at ilagay sa bag o pitaka na lagi mong dala saan ka man mapunta

Luya

Ang luya ay maganda sa ating katawan at ginagamit din itong sangkap  sa ating mga lutuin,kumaha lamang ng katamtamang laki nito saka mo talian ng ribbon ng pula at ilagay Ito sa bag maari ka ding maglagay nito sa inyong sasakyan sa loob naman ng bahay ilagay ang luya na may taling pulang ribbon sa center table.

Ito ay malakas manghatak ng suwerte sa kahit anuman.

Bawang

Ang bawang ay kilalang kilala na pangontra sa masasamang ispiritu at kamalasan.Laging ugaliin ang pagkakaroon ng bawang sa loob ng ating tahanan lalo na kung may buntis o mga maliliit na Bata sapagkat sila ay lapitin ng mga masasamang ispiritu gaya nalang ng mga asawang .

Dahon ng Laurel

Kung ramdam mo na ang subra bigat na ang kamalasan sa buhay, masunog ng dahon ng laurel at pausukan ang buong paligid Ng inyong buong kabahayan ang amoy ng usok ng dahon ng Laurel ay malakas manghalina ng positibong enerhiya kaya tiyak na papasok ang suwerte sa ating kabahayan,

Kung walang negatibong enerhiya sa loob ng bahay  tiyak ang tuloy tuloy ang pasok ng suwerte na magiging sanhi ng ating pag- asenso at tuluyang magdala sa atin ng pagyaman.

Lalo kung samahan natin ito ng taimtim na panalangin at pagsusumikap.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here