Ilagay o isabit ito sa harap ng pintuan at tinitiyak ko sa inyo ang suwerte

Una po syempre gagawin mo po lamang ito kung kayo po ay naniniwala sa mga pampsuwerte, kasi kahit gagawin mo ito ngunit wala ka namang tiwala dito ay wala din pong mangyayari sa iyong gagawin.

Kailangan lamang natin ay pitong piraso ng dahon ng laurel isang kurot ng asin pouch na pula at holy water, makakabili [po tayo ng holy water sa mga simbahan,

paghanda napo ang mga kailangan at kuhanin ang laurel ilagay ito sa platito laga

lagyan ang mga dahon ng isang kurot ng asin at saka ilagay ang holy water dapat po at mabasa ang lahat ng dahon ng laurel.

halimbawa gagawin ito ng martes kaillangan ay ibabad ang dahon ng laurel ng lunes sa holy water kung biyernes naman ito gagawin ibabad ang dahon ng laurel ng huwebes, kinaumagahan tanggalin ito sa platito ng isa isa saka ito ilagay sa pulang pouch,at isabit sa harap ng pinto sa inyong main door kasabay ng pagsabit nito ay ang pagsindi ng berdeng kandila na sumisimbolo ng kasaganahan, gawin ito ng martes alas sais hangang alas 9 ng umaga kaya naman ay biyernes ng parehong oras