Iba’t ibang Paraan para Maipadama ang Pag-ibig

  1. Hindi lang sa Salita, pati na rin sa gawa — Para malaman ng partner mo na mahal mo siya, huwag mo lang idaan palagi sa I love you at sa mga halik at yakap mo. Importante na bigyan mo rin  siya ng oras para kahit na may pagkakataon na magkalayo kayo, hindi siya nai-insecure.
  1. Magpasalamat – Kapag may magandang ginawa ang partner mo, pasalamatan mo siya. Huwag na huwag mong babalewalain ang magaganda niyang ginawa sa’yolalo na at nakikinabang ka dito. Sa pamamagitan kasi ng simpleng pasasalamat mo sa kanya ay mararamdaman niya ang iyong appreciation.
  1. Maglambing – Kung nais mo siyang pakiligin, bigyan mo naman siya ng sorpresa kung saan ay talagang makakadama siya ng katuwaan. Kapag may okasyon ay bigyan mo siya ng kung anong bagay na makapagpapangiti sa kanya. Hindi ko naman sinasabing materyalistiko ang iyong mahal pero talagang hahaplusin ang kanyang puso kapag binibigyan mo siya ng anumang bagay na makaagsasabing hindi mo siya kinakalimutan.
  1. Pagkuha ng mga larawan – Sa pamamagitan ng mga ito ay parang sinasabi mo na ang pinagsamahan ninyo ay hindi mo gustong kalimutan. Na kahit na lumipas a ang mga taon ay mananatili siyang nasa iyong isipan dahil sa inyong mga larawan na magkasama.
  1. Maging mabait sa kapamilya at kaibigan ni Labs – Ang mga taong ito ang makatutulong sa’yo para patunayan ang iyong damdamin sa taong lagi mong sinasabihan ng ‘mahal kita;.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here