Hiwaga ng tubig ulan

Marami sa atin ang hindi nakakalam na napakalaki pala ng swerteng bigay ng tubig ulan. Maari natin itong gamitin sa ibat ibang spell gaya nalamang nito.

Una ay kumuha ka ng tubig ulan. Direkta dapat itong kinuha at hindi na dumaan pa sa mga bubong o kung ano. Pangalawa kailangan mo ng pitong barya kahit gaano kalaki ang halaga. At huli ay isang lalagyan o garapon. Napakadali lamang nito.

Una ay ilagay mo ang mga barya. Isa isa mo itong ilalagay at bawat isang barya na ilalagay mo ay papalakpak ka ng tatlong beses at sasabihin ang salitang. “Tiskodes” kapag naubos mo na ang pitong barya ang gagawin mo ay ibubuhos mo ang tubig ulan sa garapon ng dahan dahan habang isinasaisip na natanggap mo na ang lahat ng swerteng nais mo. Ito ay tinatawag na positive energy conduction.

Ilagay mo ito sa altar o dikaya sa malapit sa inyong pintuan dapat ay maytakip ito

Maraming salamat at sana ay nakatulong sa inyo ang artikulong ito

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here