1. Wag mag panic at lalong wag mong sisihin ang iyong sarili. Hindi ito madaling gawin lalo na kung mahal mo ang isang tao.
2.Wag agad maghanap ng dahilan mula sa kanya kung bakit dika niya kinakausap, hayaan siyang kusang niya itong maiisip. Ang taong sersyoso sayo ay hindi basta basta nawawalan ng dahilan upang kausapin ka at ipadama sayo ang iyong halaga.
3.Wagkang makaramdam ng insecurity sa iyong sarili. Maaaring maramoing dahilan kung bakit hindi ka niya kinakausap, maaaring abala siya o maaar naghahanap siya ng tamang oras.
4.Wag kang mag sorry ng subra subra o magpapaliwanag ng todo-todo maliban nalang kung kayo ay nagkakaroon ng isang matinding bangayan at alam mong ikaw ang may kasalanan.
5.Wag na wag siyang pilitin na kausapin ka wag kang magmamakaawa sa kanyang panahon bigyan dignigda o mas pahalagahan mo ang iyong sarili.Ang ganitong pag-uugali ay lalo lamang magtutulak sa kanya papalayo. Kung nauunang siyang magtext sayo okay lang ang magreply ngunit wag na wag kang makiusap para lang sa kanyang atensyon.
Upang siya ang maghabol narito ang iyong dapt na gawin.
1. Bigyan ang iyong sarili ng palugit upang hindi mag-alala sa kanyang hindi pakikipag-usap. ituon ang isipan sa ibang bagay, halimbawa magbigay ka ng isang linggo na palugit bago mo siya kakausapin o e text. at least hindi ka magmukha atat.
2. Alisin ang iyong isipan sa pag-iisip sa taong ito. Kahit na nanginginig na ang kamay at gustong gusto munag siyang makusap ay iwasan mo itong gawin.Ipagpatuloy ang buhay ng wala siya.
3. Ifocus ang sarli sa mga bagay na nasa iyong harapan kung anu ang dapat mong gawin na nasa iyong harapan lamang at walang anumang kinalaman sa kanya.
4. Maghanap ng ibang bagay na maaaring mong mas bigyan ng atensyon gaya pagpunta sa gym, pagshopping o kaya naman ay pagpa beauty ka, Sa ganitong paraan ay siya ang mag-iisip kung bakit tila ni hindi man lang siya sumagi sa iyong isipan at siya ngayon ang hahanap ng paraan para makita at makausap ka. Medyo mahirap itong gawin pero worth it kung ito ay iyong susubukan.