Gawin ninyo ito hangang bukas full moon

Paalala po lamang ito po ay para lamang sa mga naniniwala sa mga pampasuwerte,kung kayo ay walang tiwala sa mga ganito wag nalang po tayong magsayang ng ating panahon at oras.

Maaari natin itong gawin ngayong gabi hangang bukas  kung alin sa mga araw ay sapat kang oras upang gawin ito.Gagawin mo ito kasabay na sinag na buwan.

Una po ay kumuha po kayo ng puting plato,ilagay dito ang Asin rock salt po lamang ang maaaring gamitin,ilagay ito sa plato at ilapad ito doon. Saka mo iguhit ang star sa Asin gamit ang iyong daliri. Pagkatapos ay kumuha ka ng isang dahon ng laurel,isang cinnamon stick at litrato ng masyang pamilya kung wala ay litrato mong masaya.

Ilagay mo o ipatong mo ito sa Asin kung saan mo iginuhit ang star,hawakan mo ang plato humarap ka sa sinag ng buwan saka usalin ang lahat ng iyong kahilingan.

Pagkatapos pong humiling ay talian ang dahon ng laurel cinnamon stick at litrato ng pulang panali kahit ano pong panali basta po ay kulay pula.Hayaan ito sa ilalim ng sinag ng buwan ng buong magdamag .kinabukasan kuhanin Ito I plush sa toilet ang Asin at ang laurel at litrato ay hayaan ito sa inyong altar o sa ilalim ng unan o higaan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here